hulika

Author Topic: Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum  (Read 1755 times)

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum
« on: October 26, 2006, 05:03:40 PM »
Kahapon may event kaming ginawa sa may The Fort, at yung Gsounds ang supplier namin para sa stage at sound (salamat Guy at Sherwin!). As usual andun na naman ang kanilang napakagandang DW drumset na ipinagdarasal ko rin na ibenta nila sakin ng P50,000 lang (siyempre, hulugan pa rin ang pagbayad hehehe).

Bago ako naglaro sa drumset nila, napansin ko na hindi yung DW snare yung gamit ko. 12" x 6.5" siya, tapos old school pearl lugs ang gamit. Sinuri ko, hindi naman siya Pearl na snare! Pero ang ganda ng tunog niya! Sensitive na parang piccolo tapos full-bodied na parang big snare. Sa sobrang ganda ng tunog pinalitan nila ang DW snare nila para doon. (Akala ko nga ibebenta nila yung DW e, kaso itatago pa daw nila as reserve, awww).

Kinausap ko si Sherwin, sabi niya si Juancho, yung tech nila, ang gumawa ng snare. Kinausap ko si Juancho tungkol doon, sabi ko magpapagawa din ako, kaso sabi niya dapat daw ako ang mag-supply ng hardware, sa kanya lang ang shell. Meron pa naman ako dito mga lugs ng Fernando, baka yun na lang ang gamitin ko. Inaalala ko na lang e ang 12" bottom hoop at 12" snare wire, kakailanganin pa daw mag-order sa Japan.

Nakilala ko pa dun si David, yung sessionist na tumutugtog sa Japan na nag-uuwi ng pinagsawaan niyang gamit tulad ng Tico Torres signature at Arbiter snare drums para ibenta. Sabi ko nga, pagbalik niya sa Japan sana bumili uli siya ng Ayotte at sana e pagsawaan niya rin hehehe.



Online peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum
« Reply #1 on: October 26, 2006, 05:44:44 PM »
sya gumawa ng shell?

Offline pmack

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum
« Reply #2 on: October 26, 2006, 06:10:10 PM »
ayos yan gep ha.
isa yan sa mga dapat kong gawin before i die.
gumawa ng sarili kong kit.
ayos.
kung magpapagwa ka benta mo sa akin yung tama snare mo ha.
;)

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum
« Reply #3 on: October 26, 2006, 07:08:12 PM »
sya gumawa ng shell?

Oo, sabi niya siya daw.

Offline Dindin

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum
« Reply #4 on: October 28, 2006, 12:10:20 PM »
sya gumawa ng shell?

Oo, sabi niya siya daw.

I've seen that snare na. Pero hindi ko pa nagamit since I always bring my own. Medyo ibang klaseng wood yung ginamit dun e. Parang narra ata. hehehe. Medyo mabigat kasi at reddish dark brown yung kulay. Mahirap maghanap ng resonant snare side para diyan kaya di nila pinapagamit kung kani-kanino lang yun.


Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum
« Reply #5 on: October 30, 2006, 11:47:05 AM »
Next time kukunan ko ng litrato para magets niyo. Oo mabigat nga siya!

Offline suspendead

  • Moderator
  • *****
Re: Mr. Juancho's fabulous soprano snare drum
« Reply #6 on: October 30, 2006, 01:12:44 PM »
ayos yan gep ha.
isa yan sa mga dapat kong gawin before i die.
gumawa ng sarili kong kit.
ayos.
kung magpapagwa ka benta mo sa akin yung tama snare mo ha.
;)

Ehhemmmm... Una ako sa pila Pao, may kuntrata na kami ni Gap hehehehe...

Gep tinanong mo ba kung magkano at gano katagal? pwede rin kaya 7.5 x 13? hehehe Thanks
" I HEAR VOICES AND THEY DON'T LIKE YOU "