meron akong 4 na tatz , both legs meron, left tricep meron, tsaka sa back makikita mo mga posts ko dito
employed naman ako tsaka practicing architect din, at nasa ibang bansa ako ngayon dahil may inaasikaso.
never ko na encounter ang questionin ang mga tattoo ko sa trabaho or nung naghahanap ako ng trabaho,
kahit sa medical certificates wala namang remarks na ilalagay kung may tatz ka.
bago ka magpatattoo siguruhin mo na gusto mo at gusto mo yung iapapatattoo mo.
never din ako nagpaalam kung sa kahit kanino nung una kong magpatattoo, legal age na naman kasi ako nun.
kung makakapag antay kapa sana (lang naman) antayin mo ng maka graduate ka at makahanap ng work, kasi ngayon, lahat ng gastos mo e galing sa magulang mo,
mahal mag pa tattoo, magagalit talaga yun kasi pera nila ang ginastos mo, pero kung kumikita ka na ng sapat, e karapatan mong gastusin yun kung san mo gusto.
gusto mo ng magandang tattoo? gastusan mo dahil expensive ang magandang tattoo.