hulika

Author Topic: Plakadong pag CIFRA  (Read 5008 times)

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Plakadong pag CIFRA
« on: August 08, 2013, 12:50:36 PM »
ano pong say nyo sa pagtugtog ng praise and worship na gayang gaya ung nasa CDs?

Yung tipong kapag P&W na parang sumasabay ka na lang sa CD kasi pati areglo at solos eh kinukuha..

In my opinion, I make sure na macifra ko ng tama ung mga chords and arrangements, this is to give justice sa song composer/arranger na tama ang pagkakatugtog sa song nila pero I make it to a point na I will add my own style as well. Also pag dating dun sa kung ilang times uulitin ung part ng song eh depende sa need kung baga..

Dont get me wrong also, kasi bilib din ako sa mga bands na kayang gayahin at almost perfect ang pag ka cifra ng mga kanta.. Yun nga lang may times kasi na it calls for repeating a part of the song like sa "chorus" or "bridge" but since hindi na kasama sa areglo eh kinukuha na ung part na mag solo ung guitars or drums etc. or worst case tinapos na ung song..

For me, it's better to go with "as the spirit leads" kung baga..

Offline kulitdavao

  • Regular Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #1 on: August 08, 2013, 03:31:40 PM »
Sa tingin ko lang.......

Kailangan muna ma Plaka ang kanta bago lagyan ng sariling timpla. Yun ang Justice. May iba kasi na ayaw kunin ang areglo kasi daw para may touch nila. Okay yun kung talagang mabibigyan ng Justice yung kanta. Sa madaling salita kung kaya nilang mas maganda kesa sa Orihinal eh 'di areglohin ang kanta.

Naka tugtog ang Church band namin kay Alvin Slaughter at Bob Fitts. Kay Alvin Slaughter kailangan CIFRADO ang kanta, 'di pwede ang pwede na. Kay Bob Fitts naman ok na ang konting kapa basta sakto ang bagsakan at Gel ang banda sa kanya kasi biglang nagbabago ang areglo nun.

2 cents lang po
Music + Jiu-Jitsu = Sarap

Offline crouchdash

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #2 on: August 10, 2013, 02:16:03 AM »
Wow naman kulitdavao! I think kung kay Alvin Slaughter talagang plakado kailangan dun.

In my opinion at nakasanayan na rin, sa mga unang kantahan we try our best na plakado yung areglo, pero habang tumatagal nalalagyan mo na rin ng sariling flavor yung kanta.  :)
If you wanna kiss the sky, better learn how to kneel..."On your knees boy!"

Offline kulitdavao

  • Regular Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #3 on: August 10, 2013, 06:02:44 AM »
Magaling si Alvin Slaughter at sobrang Tangkad at Laki hahaha cute daw ang mga Pinoy sabi niya  :eek:

Si Bob Fitts naman galing mag acoustic guitar at songwriter. Iba din ang boses parang may yelo sa lamig.

Parang may napansin akong malaking sakit ng matatagal ng Church Musicians. Ito yung "Anong Chords ng kanta? Sige senyas lang ha"  :-P Nangyayari ba yan sa team ninyo?
Music + Jiu-Jitsu = Sarap

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #4 on: August 11, 2013, 09:46:24 AM »
Ibang level pala ung band nyo, i can only dream of playing with those singers! :D

Ang madalas naman naming tanung sa music ministry is "anung key"? Hehe

Offline kulitdavao

  • Regular Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #5 on: August 11, 2013, 10:10:26 AM »
Magagaling ang ka grupo ko. Ako lang ang bagito sa grupo hahaha  :eek:

By the way ang saya naman ng "Anong Key?"

Yan ang magagaling kasi parang jamming lang  :-D
Music + Jiu-Jitsu = Sarap

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #6 on: August 11, 2013, 11:23:43 AM »
Madalas nga talaga jamming kami... hahaha

Sunod lng kmi lagi s moving of the holy spirit.. kaya tanung lng is "wat key" tapos tinginan n lng sa mga bagsakan.. hehehe

Offline muskratdoug

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #7 on: August 11, 2013, 05:02:17 PM »
Sa akin, Kapag cinipra mo sa umpisa, mas maganda kung plakado, ng sa ganoon matutunan mo ang mga tamang nota, baksakan, at dynamics noon kanta. Tsaka na lang magdagdag or bago sa mga "fill lang" maintain parin iyng root note at progression.

Iba iba kasi ang mga naka sama ko sa mga P&W na group, dahil nag sesession ako sa mga different communities, meron gusto plakado nota de nota, meron naman talagang sariling version, bilang sessionista dapat sunod ka lang sa gusto nila. Tinitimpla ko lang kung ano ang gusto or style noon musical director, tsaka ako mag dadag o by rote lang talaga ang pag laro ko.

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #8 on: August 12, 2013, 06:40:37 AM »
tama po yung ginagawa nyo sir, kasi sa ministry natin talaga dapat humble tayo at nagpapasakop sa leader at hindi kanya kanya..

I'm a bassist and I also do sessions sa ibang church, bukod sa church ko. Kaya I can relate to your post sir.

I've experienced rin ung plakadong cifra sa one of the church na tinutugtugan ko, and sa iba naman as in tanung lang is "what key?".. kaya I cant help to compare them and I'm more inclined on the "go with the flow" style of playing sa church..

Offline pie-key

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #9 on: August 12, 2013, 09:05:28 AM »
ok lang basta 'di over-rated.  <_<
References:
BossingBoss/Spudmusic/Xelly/Poundcake/Fonzy/Joel_marcelo/Micsis/Voidman/Free2rock/
'57 Strat/DIY OD/Strymon TL/Eventide MF/Hardwire SN/TCE Polytune Mini/Princeton Chorus

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #10 on: August 12, 2013, 10:48:42 AM »
ibig sabihin nyo po ba sa "over rated" is yung parang nag "pe-perform" na lang?

if this is the case, I agree with you sir. this is a very big "NO" sa atin as ministers..

Offline pie-key

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #11 on: August 12, 2013, 11:03:56 AM »
ibig sabihin nyo po ba sa "over rated" is yung parang nag "pe-perform" na lang?

if this is the case, I agree with you sir. this is a very big "NO" sa atin as ministers..

+1
References:
BossingBoss/Spudmusic/Xelly/Poundcake/Fonzy/Joel_marcelo/Micsis/Voidman/Free2rock/
'57 Strat/DIY OD/Strymon TL/Eventide MF/Hardwire SN/TCE Polytune Mini/Princeton Chorus

Offline kimpoy19

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #12 on: August 12, 2013, 02:12:34 PM »
BOTH. I want to adopt and know first the style and theme of the song and mas maganda kung magagawa ko yun as exactly as the same ng CD, why?

Because may additional knowledge and style akong ma-aadopt kapag ganun. Isa pa, malaking tulong din yun para maintindihan ko ng mas malalim yung kanta, dahil yung specific theme ng song at style ng music eh may epekto at dahilan din kaya ganun yung pagkakagawa ng mga compossers (my opinion).

As a band na, I usually suggest na malaman yung original song before turning to our own style. Sa part naman ng kakanta, eh kukuning muna yung KEY or pitch ng boses nila.

Malaking tulong din yung pagkuha ng original style and type of music and also yung original music niyo.

At the end, follow the leading of the Holy Spirit, maging malaya sa pagkilos at pagwoworship kay LORD. :)
drumming is my greatest way to praise the Lord!

Offline guitarpraise

  • Senior Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #13 on: August 12, 2013, 09:22:23 PM »
BOTH. I want to adopt and know first the style and theme of the song and mas maganda kung magagawa ko yun as exactly as the same ng CD, why?

Because may additional knowledge and style akong ma-aadopt kapag ganun. Isa pa, malaking tulong din yun para maintindihan ko ng mas malalim yung kanta, dahil yung specific theme ng song at style ng music eh may epekto at dahilan din kaya ganun yung pagkakagawa ng mga compossers (my opinion).

As a band na, I usually suggest na malaman yung original song before turning to our own style. Sa part naman ng kakanta, eh kukuning muna yung KEY or pitch ng boses nila.

Malaking tulong din yung pagkuha ng original style and type of music and also yung original music niyo.

At the end, follow the leading of the Holy Spirit, maging malaya sa pagkilos at pagwoworship kay LORD. :)

+10000!  :-D
ako kasi kala ko kaboses ko si john lennon noon, pero marami nagsasabi na mas kaboses ko si dolphy.

Offline kulitdavao

  • Regular Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #14 on: August 12, 2013, 09:38:29 PM »
'di ko alam kung OT ito.

Dati nag plano kaming lumipat ng Church na mas malapit sa amin. Nag patawag ang new Church ng Audition para sa mga bagong Musicians.

Ayoko ng mga Audition kasi yan ang requirement ng mga Bar sa banda.  :-o Hehehehe

Nag audition ako as Lead Guitars kasi yun naman ang pwesto ko pero nag acoustic Guitar ako at kumanta ng sariling style ng "Your love is Extravagant".

Nag tanong ang mga judges. "Do you play by notes or by ear?" Sabi ko "I play by heart"  :-D (Ayun oh)

Ayun natanggap naman. Sad news is bumalik kami sa dati naming Church kasi mahirap iwan ang mga friends  :cry:
Music + Jiu-Jitsu = Sarap

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #15 on: August 13, 2013, 08:38:56 AM »
BOTH. I want to adopt and know first the style and theme of the song and mas maganda kung magagawa ko yun as exactly as the same ng CD, why?

Because may additional knowledge and style akong ma-aadopt kapag ganun. Isa pa, malaking tulong din yun para maintindihan ko ng mas malalim yung kanta, dahil yung specific theme ng song at style ng music eh may epekto at dahilan din kaya ganun yung pagkakagawa ng mga compossers (my opinion).

As a band na, I usually suggest na malaman yung original song before turning to our own style. Sa part naman ng kakanta, eh kukuning muna yung KEY or pitch ng boses nila.

Malaking tulong din yung pagkuha ng original style and type of music and also yung original music niyo.

At the end, follow the leading of the Holy Spirit, maging malaya sa pagkilos at pagwoworship kay LORD. :)

well said sir! i agree on this.

It's also hard na maging plakado ang tugtugan kapag hindi lahat ng band members e nag cifra. I've experienced being part of a team na medyo mga begginers pa sa tugtugan, and hirap ma acquire ang flow ng song lalo na at mali ung mga chords..

And pagdating sa key, depende talaga sa worship leader kasi hindi naman always kaya ang range ng original songs..

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #16 on: August 13, 2013, 09:15:19 AM »
'di ko alam kung OT ito.

Dati nag plano kaming lumipat ng Church na mas malapit sa amin. Nag patawag ang new Church ng Audition para sa mga bagong Musicians.

Ayoko ng mga Audition kasi yan ang requirement ng mga Bar sa banda.  :-o Hehehehe

Nag audition ako as Lead Guitars kasi yun naman ang pwesto ko pero nag acoustic Guitar ako at kumanta ng sariling style ng "Your love is Extravagant".

Nag tanong ang mga judges. "Do you play by notes or by ear?" Sabi ko "I play by heart"  :-D (Ayun oh)

Ayun natanggap naman. Sad news is bumalik kami sa dati naming Church kasi mahirap iwan ang mga friends  :cry:

ganda ng answer nyo dun sa tanong nila sir, PANALO! "I play by heart"

parang unexpected answer pero swak! :D

one purpose din kasi ng plakadong pag cifra para maging comfortable tayo sa pagtugtog ng song kasi tumatatak ung melody and chords sa pusot isip kapag nag ci-cifra. para pag tugtugan na, flow nalang talaga sa worship and "PLAY BY HEART"! :D

Offline kulitdavao

  • Regular Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #17 on: August 14, 2013, 09:41:57 AM »
'Di naman ako magaling at medyo mabagal magbasa ng Notes. I play by heart lang talaga kasi masarap pag ramdam mo yung kanta  :oops:
Music + Jiu-Jitsu = Sarap

Offline iamnamra

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #18 on: August 22, 2013, 12:40:51 PM »
Depende parin yan sa leading talaga ng Holy Spirit kaya madalas kelangan nateng sundin yung senyas ng music leader naten.  :-D

Offline skyjammer

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #19 on: August 22, 2013, 09:45:55 PM »
We can easily differ in preference on this but none of our preference would be wrong in the end. What matters to me is, "Am I supporting the requirement of the praise and worship leader in playing the song?" This is if we're talking about playing cover songs in praise and worship ha. For worship concerts, ibang considerations naman. :)

Offline Eszeybiow

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #20 on: August 23, 2013, 04:42:10 AM »
We can easily differ in preference on this but none of our preference would be wrong in the end. What matters to me is, "Am I supporting the requirement of the praise and worship leader in playing the song?" This is if we're talking about playing cover songs in praise and worship ha. For worship concerts, ibang considerations naman. :)

+1

iba nga talaga kapag concert, may areglo na dapat sundin..

Offline heidroft

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #21 on: September 12, 2013, 02:52:31 PM »
para sa akin naman

it is important na ma plaka yung kanta kasi, kaya nagustuhan nman ung kanta is because sa pagkakagawa,pagkaka execute at pag kaka areglo ng composer eh, example, kaya nagustuhan ko uung kanta dahil sa ganda ng pagkakagawa, so para matugtog ko ito ng maayos at para ma ihatid ko toh sa mga nag nakikinig at nag woworship dapat ganun ko din sia ma tugtog..

Pero sa huli nman isa lang dapat masusunod when it comes to worship eh, Holy Spirit

Parang ung ganda ng pag kaka tugtog mo, mas pinaganda pa, dahil kasama mo tumugtog at nag guide sa is the Holy Spirit. sia na bahalang mag add ng iba pang sounds

Offline washburny

  • Senior Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #22 on: September 12, 2013, 10:18:30 PM »
Paano sa pioneering church namin na puro kami kulang sa training? Wala kami choice but to sing the version of our hearts kasi limited ang aming technical skills. Pero we believe that it should not stop  us from worshiping the Lord. AKo guitarist/bassist, panganay ko keyboardist/basist/Ululelel, anak ko na 8 years old ang nag beat box at misis ko ang Song leader. Yung pangalawa ko sana anak na lalaki ang pinaka magaling sana sa amin (guitar) pero mas trip nya sa ibang church mag serve kasi nandun friends nya. Kaya kami kami nalang for starters. I believe magpapadala din later ang Lord ng musicians at someone who will be willing to train us.

Pero alam nyo kahit sablay pa kami tutmugtog eh nag oofer kaming free music clinic sa mga total biginners na youth para means to evangelize them narin sila. Anyway mga beginners naman sila. di pa discriminating at eager pa sila to learn basic chords na kaya pa naman namin ituro kahit papaano. So pag plakado ang usapan eh di kami maka relate. AKo mismo di makatugtog ng walang song book sa harap o di memorized and chords. Tone deaf ata ang tawag sa akin kasi I cant recognize chord progression ever since. Pinipilit ko lang talaga makagapag lingkod sa Panginoon. Does this mean that we can't give justice sa composer at arranger? Pero I want to believe na nagagampanan naman namin  purpose namin to lead congragation in Worshiping the King.

Blessed kayo na mga highly skilled ministers. Keep on offering your talents sa Lord. Don't let the skills to turn you into great performers. Dapat humble worship ministers palage ang mindset.

Stay Blessed!
« Last Edit: September 13, 2013, 07:18:22 AM by washburny »
I am nothing without Christ...
You are something if you are in Christ...
We are all important in God's kingdom. Receive Jesus as your Lord and Saviour, now!

Offline zwischenzug

  • Regular Member
  • ***
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #23 on: September 18, 2013, 09:51:58 AM »
BOTH. I want to adopt and know first the style and theme of the song and mas maganda kung magagawa ko yun as exactly as the same ng CD, why?

Because may additional knowledge and style akong ma-aadopt kapag ganun. Isa pa, malaking tulong din yun para maintindihan ko ng mas malalim yung kanta, dahil yung specific theme ng song at style ng music eh may epekto at dahilan din kaya ganun yung pagkakagawa ng mga compossers (my opinion).

As a band na, I usually suggest na malaman yung original song before turning to our own style. Sa part naman ng kakanta, eh kukuning muna yung KEY or pitch ng boses nila.

Malaking tulong din yung pagkuha ng original style and type of music and also yung original music niyo.

At the end, follow the leading of the Holy Spirit, maging malaya sa pagkilos at pagwoworship kay LORD. :)
+1.  Iba din yung alam mo yung original na piyesa, kumbaga kapag gamay mo na doon na papasok yung improvisation not for bragging rights but for creativity and glory of Christ through the leading of the Holy Spirit.

Just a caution though sa paggamit ng "as the Spirit leads" or "Asda (term ng musical director namin na si Kuya Egay), kasi madalas ito ang reason kung bakit nagiging mediocre ang P&W in most churches whether matagal/established na or bago palang.  Kumbaga sa practice palang ang mindset na since "Asda" eh ok na kahit "sounds like" yung instruments at voice, kahit ang daming mali at di malinis ang P&W tapos makakarinig ka ng "pwede na yan".  Pati mga instruments and equipments giba-giba na o madumi o nagfeefeedback, etc.  No wonder why many churches today eh stagnant spiritually at ilang years na lumipas sila-sila pa rin ang members.  I remember nung youth pa ako (ngayon ga-youth na, hehe), pumunta kami sa isang youth inter-fellowship sa Q.C., come P&W, sintunado si song leader at sakit sa tenga ng tugtugan.  May kasama kaming di pa Christian na natatawa na sa P&W, napansin ni song leader biglang sabi "Wag po ninyong pansinin ang boses ko, let's focus kay Lord as His spirit leads us to worship" napa-???? nalang ako.  In the end, naging katawa-tawa lang yung gathering kasi bukod sa P&W eh di pa handa sa ibang activities.

As Christians we really need to focus primarily to grow spiritually pero hindi lang hanggang doon.   As worshiping musicians we should also improve our skills with or without the support of our church.  Mapalad ang generation ngayon because of technology, dati kailangan pang hintayin yung betamax/VHS or casette tape na ipahiram sa iyo bago mo mapanuod/mapakinig yung lesson o yung sisiprahin na kanta, ngayon google lang nandun na lahat.  Sa mga pastors naman, wag ninyong maliitin ang Music Ministry kung may pondo o paraan naman eh laanan niyo kami ng pondo at panahon.  Tsaka yung P&W lang naman ang matitirang ministry pagdating sa heaven di ba, kaya ngayon dito palang dapat maranasan na yung the best for God. :)
« Last Edit: September 18, 2013, 09:56:22 AM by zwischenzug »

Offline dlz_12

  • Netizen Level
  • **
Re: Plakadong pag CIFRA
« Reply #24 on: September 19, 2013, 03:28:50 PM »

+1. Striking a good sense of balance, ika nga!  :-D Mahirap naman na super "technical" na puro practice at wala na ang

intimate at personal time with the LORD. I've learned na as ministers, parang "waiter" lang tayo ng pagkain. Ang buong linggo

natin dapat puno ng pagpupuri, pananalangin at pag-aaral ng Word of God (at of course improving the talents God has freely

given to us, and practicing your lineup) para pagdating ng worship service, we'll minister to God's people. Ihahain nalang

nating yung pagkain kasi busog na busog na tayo ng buong linggo na pagpupuri at pasasalamat. We'll still worship God, pero

with one eye open (sabi nga ni Nigel Hendroff of Hillsong - great tips here http://www.moneglisehillsong.fr/en/blogs/les-astuces-du-directeur-musical-selon-nigel/).  :)

Dalawang singko ko lang... :-D
« Last Edit: September 19, 2013, 03:35:58 PM by dlz_12 »