Okay, tapos na!Tinry ko naman gumamit ng
batteries. Yung
G1XN lang yung walang battery sa lahat ng pedal (gamit niya yung adapter niya).
Walang naka-on na effect sa parehong zoom pedals. Tapos nun, tinry ko naman gamitin uli yung 1-Spot para sa G1XN at sa ibang effects, tapos adapter uli ng Zoom para sa G1XN sa huli.
May 2 parts ang "experiment" kong ito. Part 1 gumamit ako ng batteries. Part 2 gumamit na uli ako ng 1-Spot para sa lahat ng pedals.Una muna ang mga apparatus (based sa signal chain ko yung pagkakasunod):Guitar: an SSS Stratocaster set on position 1 (bridge) and on position 2 (bridge/middle = may bawas sa hum)
Zoom G1XN (Walang naka-on na effects/bypass, DC9V/300mA/Center negative )
Boss OS-2 (Walang active effects, knob setting from left to right ay 10:00, 12:00, 12:00, 07:00/set as OD, DC9V, 12mA)
Zoom MS50G version 2.0 (Walang effects na active pero naka-ready yung FD Combo amp sim sa 'pag on, yun na yung pinakaahina ang noise sa lahat ng amp sim nito, DC9V/Center negative/500mA )
Output/Audio out: PA System (secret)
1-Spot power adapter (1700mA, 8x9V rails, plugged straight to an outlet)Part 1: Boss OS-2 and Zoom MS50G powered by BATTERIES (AA for MS50 G, 9V for OS-2)Nilagay ko yung batteries at tinest ko uli. Gamit ng G1XN yung original adapter niya. Una kong ginawa ay i-on yung amp sim ng MS50G. Mahina ang noise. Sunod ay yung OS-2. Malakas ang noise (siguro dahil drive pedal). After nun chineck ko yung guitar settings. Nasa position 1 may noise, position 2 may noise parin - walang pinagbago sa lakas. Tinanggal ko yung G1XN sa chain, ganun parin. Sunod, inoff ko yung pedals, pinalitan ko yung adapter ng G1XN ng 1-Spot adapter at binalik sa chain. After nun, inactivate ko yung amp sim ng MS50G. May mahina pero umaalon na noise. Sunod yung OS-2. May noise at maingay, umaalon din. Mas malakas ng ilang decibels yung noise niya. Nilaro ko ulit yung guitar, position 1 and 2. Ganun parin. Tinanggal ko yung G1XN sa chain, ganun parin.
Ang mga napansin ko dito sa part na 'to:1. Umaalon yung noise 'pag gamit yung 1-Spot.
2. May noise talaga yung amp sim.
Part 2: Boss OS-2 and Zoom MS50G powered by 1-SpotWala na yung batteries dito. Gamit ko yung original adapter ng G1XN. Una kong ginawa ay i-on yung amp sim ng MS50G. Mahina ang noise. Naka-on na yung OS-2. May noise at malakas (parang sa Part 1). Position 1 and 2 pareho lang din yung noise at volume. Nilaro ko uli yung position 1 & 2 ng guitar, same noise. Tinanggal ko yung G1XN sa chain, ganun parin. Ngayon naman ginamit ko yung 1-Spot para sa G1XN. Pagka-on ng amp ng MS50G, may noise na mahina at umaalon (parang sa Part 1). Sunod ay yung OS-2 naman. May noise, umaalon, at mas malakas. Nilaro ko uli yung position 1 & 2. Ganun parin. Tinanggal ko yung G1XN sa chain, nawala yung noise na umaalon pero may noise parin na mahina (parang sa part 1).
Ang mga napansin ko sa part na 'to:1. Umaalon yung noise pag gamit yung 1-Spot.
2. May noise talaga yung amp sim.
3. Mas "malala" pagdating sa volume at frequency ng "alon" yung noise na na-pproduce ng pedals 'pag gamit ko yung 1-Spot sa lahat ng pedals.
EXTRA:Tinry ko naman na yung G1XN at OS-2 lang at powered sila ng 1-Spot. Naka-on na yung G1XN. Walang noise (kung meron man e sobrang hina. Nilaro ko uli yung position 1 & 2. Walang noise. Sunod yung OS-2. May noise agad (siguro dahil drive pedal). Dalawang klaseng noise na umaalon ang meron, mas mabilis yung frequency ni noise #1 kumpara sa noise #2. Iba yung noise na 'to kumpara dun sa part na magkakasama sila. Nung ginamit ko yung original adapter ng G1XN at inactivate yung OS-2 nawala yung 2 noise at napalitan ng usual na noise ng mga drive pedals. Nilaro ko yung position 1 & 2. Position 1 mas malakas yung noise. Position 2 humina (nawala yung natural hum). Sinubukan ko din yung 9V battery sa OS-2 at pareho lang ang kinalabasan nung nakasaksak yung 1-Spot sa G1XN (maingay), at nung nakasaksak na yung original adapter sa G1XN (normal/usual noise ng drive pedals).
Ang mga napansin ko sa part na 'to:1. Umaalon yung noise 'pag gamit yung 1-Spot at sa part na 'to, 2 noise at magka-iba ng speed/frequency bawat isa.
2. Naging normal (para sakin) yung noise nung ginamit ko yung battery. Yung noise eh yung usual na noise ng mga OD pedals.
3. Sa part na 'to lang gumana o narinig yung pagkabawas ng hum dahil sa position 2 ng guitar.
4. Walang noise nung naka-bypass pareho nung ginamit ko yung battery at original adapter.
Conclusion?Hindi ko alam pero, mukang may prob pa ang MS50G. Hindi ko nga lang alam kung sa firmware/software o sa hardware. Lalo na yung amp simulator. Laging may noise kapag naka-on (yung US Blues malakas din) Yung reverse delay din niya medyo... short. Hehe.
Sa 1-Spot PSU naman, hula ko doon nanggagaling yung noise na umaalon. Hindi ko din alam kung ayaw ng MS50G na may ka-share sa PSU o hindi kaya ng 1-Spot yung 3 pedals lang na yun, kung pagsasamahin yung total current/load nila, wala pang 1,000mA.
PERO, tingin ko ganito talaga e:1.
May noise talaga 'pag gamit yung amp sim ng MS50G. Nakakalungkot. Okay lang sana kung sa drives lang, kaso amp sim na yun e. Yung amp sim din kasi ng G1XN walang noise na nagagawa (at ay kasama na ding noise reducer yung mga yun).
2.
May na-pproduce na noise yung mga pedal 'pag ginamit yung 1-Spot. Pwede kong sabihin na mas bumabagal yung speed/frequency ng noise na nalilikha ng mga pedals 'pag mas malaki yung load/current na nagagamit/mas maraming pedals. Sa EXTRA part kasi, yung G1XN lang at OS-2 ginamit ko, mas maliit ang load/current na nakain nung mga yun (350 something). "Nililikha ng mga pedals" dahil, ewan ko lang, wala namang na-pproduce na sound/audio yung PSU, malamang "kinikiliti" nito yung mga pedals. Cause ng noise yung kung ano mang meron o nagagawa ng 1-Spot, at effect ay yung pag-produce ng mga pedals ng unwanted noise. Ewan.
Ayun. Kain lang ako. Hehe.
(Sira letter M ng keyboard ko. Tss.)