Di ko na napigilan sarili ko haha. I just got my G3X kahapon ng naka sale price sa JB. The reason i wanted the new G3Xn kasi may feature sila na pwede mag download ng effects. Pero may nabasa ako na review ng G5n hindi daw maganda yung app and parang change lang ng patch name magagawa dun. Also, sobrang dami na pala ng effects ng G3X kaya feeling ko di ko na kailangan nun.
Sir ano difference ng XLR out vs normal ma line out? Bakit malaking tulong siya pag panget yung amp?
Sent from my ALCATEL ONETOUCH Flash Plus using Tapatalk
si G3/G3X naman naglalabas din ng mga firmware upgrades para magdagdag ng effects. eitherway, okay na yung laman ng G3/G3X. all the other stuff, you need an MS70CDR for it na.
ANG XLR/DI out ay gumagamit ng balanced signal. ibig sabihin, PA/MIXER Friendly na yung signal. pag nakaranas kang tumgtog sa isang venue na busted ang amp at no choice ka na, pwedeng gamitin mo yung XLR out, derecho ka na sa mixer. iwas sakit ng ulo. pag line level kasi ang ifefeed mo sa mixer, more often than not, masyadong mainit ang signal (nagkakanatural distortion, masyadong malakas, nagpepeak, etc.) or mas hasel, hindi comportable ang inhouse technician na magkabit ng Line Input galing sa gitara derecho sa mixer. with the XLR out option, may peace of mind ka na kahit PA lang ang gumagana sa venue, makakatugtog ka ng ayos.
make sure na may isa kang patch na may amp and cab sim para swabeng swabe!