hulika

Author Topic: Time management  (Read 744 times)

Offline Eraseyourhead

  • Veteran Member
  • ****
Time management
« on: September 10, 2013, 01:44:54 PM »
Gusto ko lang po sana share sainyo yung situation ko ngayon. By God's grace graduating student na po ko ngayong year. Hopefully po ngayong march 2014 maka graduate na ko. Ang problema ko po ay sa sobrang dami ng kelangan gawin, di na ko nakakaaten at nakakatugtug as simbahan po namen. Sobrang miss ko na po talagang tumugtug at mag puri sa Diyos. Di ko po alam kung pano ko pag kakasyahin yung oras ko. Every Sunday po may shoot kame para sa major po namen na media production. Brethren ano po kaya ang dapat kong gawin?



Offline lennon12

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Time management
« Reply #1 on: September 10, 2013, 01:52:21 PM »


TS, maiinitindihan naman siguro ni God kung hindi ka nakakapunta at nakakatugtog sa church nyo....


Focus ka muna sa studies, dahil alam ko na ginagabayan ka Nya sa lahat ng oras...


Huwag na huwag mo lang kakalimutan na magpasalamat sa Kanya sa lahat ng biyayang iyong natatangap...


Kung medyo maluwag naman yung mga darating mong oras, babawi ka naman di ba...
an eye for an eye

will make us all blind

Offline ejecruz

  • Veteran Member
  • ****
Re: Time management
« Reply #2 on: September 10, 2013, 02:23:55 PM »
Naiintindihan ko yan bro.. halos lahat naman siguro tayu dumaan sa ganyan.. basta ang importante, huwag mong kakaligtaan ang personal releationship mo kay God, and try your very best to at least never miss attending cell groups/bible study/fellowships.. madami pa dadating na ganyang times sa buhay mo, lalo na pag nagwowork ka na... Just keep on praying na tulungan ka ni God ayusin ang schedules mo.. ako, until now, struggle ko yan dahil sa work ko.. pero I notice na if you will keep on praying for your schedule.. makikita mo na aayusin talaga ni God..
Joshua 1:8

Keep this Book of the Law always on your lips; meditate on it day and night, so that you may be careful to do everything written in it. Then you will be prosperous and successful.

Offline goodfarjay

  • Regular Member
  • ***
Re: Time management
« Reply #3 on: September 10, 2013, 02:32:02 PM »
Ganyan din naramdaman ko dati nung Graduating din ako nung college pa ko e.  :-D . Pero hindi lang naman sa pagtugtog natin nabibigyan ng papuri si Lord. Just continue your communication to Him thru your devotions and prayers. Makakabawi ka naman sa Kanya after graduation mo e.  :-D
"delight yourself in the presence of the Lord and He will give the desires of your heart" psalms 37:4

Offline Eraseyourhead

  • Veteran Member
  • ****
Re: Time management
« Reply #4 on: September 10, 2013, 02:41:50 PM »
Medyo napanghihinaan po kase ako ng loob kapag nararamdaman ko na malayo ko kay God. Mula po talaga nung nag college ako di nawawala yung covenant ko sa pag tugtug at pag samba, ngayon lang po nangyare na as in hirap ako kahit sa pag aten.


Online NTM

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Time management
« Reply #5 on: September 10, 2013, 03:13:24 PM »
You must keep your relationship with God. INTACT, not only through attending at your Saturday practice, but through your everyday devotion. Effective yun. Wala ka man time kapag Saturday or Sunday.....i know you have a time everyday, kahit 1hr lang spending time with God. Do your daily devotions. I tell you, kapag graduate mo mas masarap magserve....kasi yung hunger and thirst mo sa Kanya hindi nawawala. Mas gaganahan ka pa.  :-D I experienced that before.  :)

Your priorities defines your passion.... walang masama magaral, yun ang dapat. pero wag mo kalimutan na kaya ka nakakapagaral, at kaya ka nagaaral because of God, and all these things is for the glory of God. Give your best lang in everything you do. hehe  :)

Worth it yan.  :)
"Accomplishing the impossible is all about seeing the invisible."

- Sun Stand Still

Online fender101

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Time management
« Reply #6 on: September 10, 2013, 04:11:15 PM »
It will also help if you talk to your leaders sa church para makamusta ka din nila from time to time. Setup a meeting with your churchmates din para ma-share-an nila sayo yung message pagsundays. Don't worry kung di ka makatugtog ang mahalaga yung time mo kay God di ma-compromise. Ask God to use you in the most effective way aside sa worship. It also pays when you share your faith and the Word of God to your schoolmates.

James 2:14-25 NIV

"14 What good is it, my brothers and sisters, if someone claims to have faith but has no deeds? Can such faith save them? 15 Suppose a brother or a sister is without clothes and daily food. 16 If one of you says to them, “Go in peace; keep warm and well fed,” but does nothing about their physical needs, what good is it? 17 In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.

18 But someone will say, “You have faith; I have deeds.”

Show me your faith without deeds, and I will show you my faith by my deeds. 19 You believe that there is one God. Good! Even the demons believe that—and shudder.

20 You foolish person, do you want evidence that faith without deeds is useless[d]? 21 Was not our father Abraham considered righteous for what he did when he offered his son Isaac on the altar? 22 You see that his faith and his actions were working together, and his faith was made complete by what he did. 23 And the scripture was fulfilled that says, “Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness,”[e] and he was called God’s friend. 24 You see that a person is considered righteous by what they do and not by faith alone.

25 In the same way, was not even Rahab the prostitute considered righteous for what she did when she gave lodging to the spies and sent them off in a different direction? 26 As the body without the spirit is dead, so faith without deeds is dead."
« Last Edit: September 10, 2013, 04:13:36 PM by fender101 »
https://soundcloud.com/don-james-delosreyes

Ref/s: skeletonboy, manok, DevilMay, hahaha!, mawts_gwaps, bwizett, moncseb, Overture, etc...

Offline Eraseyourhead

  • Veteran Member
  • ****
Re: Time management
« Reply #7 on: September 10, 2013, 04:29:55 PM »
Salamat sa reply nyo. After reading the first three comments nag devotion agad ako at naramdaman ko ang presensya ng Diyos. Tapos ngayon yung binasa ko yung comment ni NTM and fender101 mas na uplift ang spirit ko . Salamat at di lang tungkol sa gears ang napag uusapan natin kundi maging ang spiritwal nating buhay. Salamat mga kapatid sa pananampalataya. Please pray for me lalo na't malapit na ang defense namen (week of sept. 23). Salamat ulit mga kapatid
« Last Edit: September 11, 2013, 05:53:30 AM by Eraseyourhead »

Offline J-ROCK80s

  • Veteran Member
  • ****
Re: Time management
« Reply #8 on: September 11, 2013, 10:37:47 AM »
Nakakarelate ako dito:

Tama yung comments nila sir NTM at fender101, di lang naman sa church nararamdaman ang presensya ni Lord, kasi the Lord is omnipresent...Maski saan bro pwede kang magpuri kay Lord at maski anu pang ginagawa mo...

Una sa lahat ang pag aaral ay importante, sa ngayon as student, your priority is your studies... Your parents would be so glad to see you graduate kasi priceless yun for them... Then, Wag kang mag alala kasi pagkagraduate mo next stage naman, ang magkatrabaho... pag nagkawork ka naman, may mga times din na may pasok ng sat-sun pero i-desire mo at ipagpray din na magkaroon ng work na sat-sun ang off...

Our daily devotion is very important(ouch ako mismo sapul dito). Dapat pagpunta natin sa church, connected na agad  tayo kay Lord. Hindi yung pagpunta natin ng church dun palang tayo koconnect kay Lord. As per Kim Walker tayo yung nagbibigay ng fire sa church going to the Presence of God, kasi were leading the people to worship. Dapat daw mala-uling na nagbabaga ka na pagpunta ng church hindi yung ikaw pa yung hihingi ng baga...

Just sharing my thoughts mga bro... May the Lord give the desires of your heart =) God bless!


Ref:Toybitz,Poundcake, Moncseb, xelly, radicalzz, incubus32, Bossingboss, NTM, glassisblack, stelicore, milzer, manilacoke, bumbum, jah_blues, chis005, fretzburner, siopao69, rockarolla

Offline ken14

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Time management
« Reply #9 on: September 11, 2013, 01:04:32 PM »
Sir pag pray mo yan :) alam mo kasi alam ng Dyos kung ano talaga yung gusto mo eh so kung gusto mo talaga mag puri para sakanya, God will make away, Share ko lang yung experience ko by the way im ken 21 years old, Kasi nag ttour kami sa Luzon for music conference at nag kasabay sabay yung thesis ko tapos nag apply pa ako ng work kinakabahan ako kasi baka tumawag nasa Bicol kami noon tapos the other week bulacan pa dahil nga sa music conference so ayun habang papunta kami sa bicol nag pray talaga ako noon, Sabi ko Lord sana wag muna tumawag yung sa work ko kasi kung papapiliin mo ako mas pipiliin ko tumugtog para sa gawain sa simbahan, And ayun grabe bait ng Dyos di ako tinawagan ahaha, pero after ng conference pag uwi namn sa manila grabe biglang nag text sakin schedule for interview ako tomorrow nun. Grabe tlaga sabi ko Lord thank you buong 2weeks di ako tnext tapos pag tapos na pag tapos biglang nag text sakin ahaha. God is good sir.