THE ERASERHEADS
Isang buong henerasyon ang nakinig sa kanila.
Talagang inaantabayanan pa namin yan ng kapatid ko kapag lumalabas sila sa TV, at kinumpleto namin ang mga album nila. Pati ang PILLBOX kinumpleto namin!
Ang ganda ng timpla ng bandang iyon e. Walang mas nakakalamang, walang standout musician, hindi katulad ng ibang mga banda. Talagang meant for the band ang mga talento nila. Tingnan mo, nung pinaghiwa-hiwalay sila, hindi na nila matapatan ang glory ng heydays nila.
Sakto ang lyrics at rhythm ni Ely, at sobrang napakalapit sa puso ng mga tao. Yung mga salitang ginamit sa "Pare Ko", para talagang kwentuhan ng kaibigan ang dating.
At siyempre si Marcus, ayos talaga yun. Siya ang nagdadala ng bluesy Pinoy Rock vibe sa kanila e, kung papakinggan niyo ang "Pula" at "Wala", parang naaaninag mo na parang si Pepe Smith ang nag-isip ng kanta.
Kay Buddy, hands down, siya na ang isa sa mga pinakamagaling na bassist sa Pilipinas. Hindi siya nagyayabang sa pagtugtog, at bagay talaga ang notes na ipinapasok niya sa kanta. Siya rin ang dahilan kung bakit ang daling tandaan ng mga kanta ng Eraserheads.
At siyempre, ang idol kong si Raymund. Siya ang dahilan kung bakit pinili ko maging drummer. Nababagay din ang mga tinutugtog niya talaga, hindi inaarte ang pagpalo, at ang mga rolls niya tulad dun sa "Tamagotchi Baby" ang nagtulak lalo sa akin na galingan ang pagpalo. Kasama ni Ely, siya rin ang naghatak sa musical direction ng Eraserheads, mula sa novelty patungo sa Brit-inspired na music. Yung sa Natin99 (na para sa akin ay kasunod ng Cutterpillow sa pinakamagandang album nila), nakita mo talagang lumabas ang creativity ni Raymund.
Kung walang Eraserheads, sa tingin ko lang ha, hindi mapagbibigyan ang tulad ng Parokya ni Edgar, Rivermaya, at anupaman, ng pagkakataon na mapakinggan ng karamihan.