Actually, guilty ako dito hahaha, although one time lang. Sobrang harassed sa trabaho kaya pag uwi ko para kunin ang mga gamit, nadala ko lahat maliban sa sticks. So nanghiram ako, pero shempre alaga sa gamit ng iba diba.
Hiraman na lang din ng gamit ang usapan, medyo OT, pero one time may tinugtugan kami na contest, naggigitara pa ko nun. Yung band after namin, mga totoy pa tas parang unang competition yata nila yun so puros kabado. Nanghiram ng effects at gitara sakin tas sticks sa drummer, eh malaking competition eh, kaya tulungan, lalo na ka-eskwela namin sila, edi pinahiram namin. Tas nung inannounce na nanalo kami, aba'y ang kakapal ng mukha, binabackstab pa kami! Walanghiyang yan. haha. And to think kami lang willing magpahiram sa kanila.
Pero mas nakakabilib yung mga kusang loob na nagpapahiram. Lalo na pag yung malulupit na nga sa tugtugan, sila pa tatakbo papunta para tulungan ka. Like this one time, habang tumutugtog kami, naputulan na ng sticks yung drummer namin, nagloko pa power supply saka kable ng gitarista namin. Yung mga taga-HappyMeals pa tumakbo para pahiramin kami ng gamit. Nakaka-inspire lang kasi kung kaya nilang gawin, dapat kaya rin natin.
So sakin, okay lang magpahiram, pero pakita naman na may respeto ka sa hiniraman mo. Hindi yung naghiram ka na nga mag-aangas ka pa. haha. Saka make it a point na respetuhin din yung hiniram mo, mapa sticks man lang yan o harware at cymbals na. kung balahura ka sa gamit mo, pwes, hindi sayo yan. Hospitable at matulungin tayong mga pinoy eh, wag lang abusuhin.