Okay ba pangbawas ng room reverb ang fleece blankets? Inisip ko kasi na instead of buying expensive acoustic panels/foams ay blankets na lang ang ibitin sa walls at sa ceilings siguro
Ironic kasi hindi effective ang acoustic foam tapos napakamahal pa.
.png)
Usually yung mga hindi nagreresearch about bass trapping, sound insulating ends up buying eggshell foam and mindlessly placing it on walls.

Pwede yan in the meantime kaso hindi gaanong effective yan since manipis at kulang sa density.
Kung gusto niyo ng effective pero mura, Rockwool ang solusyon dyan

Density: 60kg/m³ or 80kg/m³
Dimensions: 2 feet x 4 feet x 2" thick rockwool panels are preferable.
(Note: Iba ang Fiberglass sa Mineral wool (rockwool). Ang alam ko fiberglass ay less dense at mahirap iinstall since mas skin irritant siya.)
Corners ang 1st priority ng room kasi dito naiipon yung excess reverb na usually ang main problem. Angle mo nalang sa corners ng room para may airgap sa likod ng panels (floor to ceiling). Lalong mas iimprove ang pag-absorb ng bass kung may airgap. Pwede mo pagpatungin yung dalawang panels para maging 4" siya.
Meron sa sulit.ph or sa OLX ganito, inquire ka nalang dun
Usually php 300+ isang 60kg/m³ 2' x 4' x 2" rockwool board.