hulika

Author Topic: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine  (Read 1121 times)

Offline slav3unit

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« on: March 13, 2015, 11:28:06 PM »
Ma-share ko lang, mga 'tol, mga orig na kanta ko na gawa sa mga synth/soft synth na Microkorg, Maschine, Figure at iba pang instrumento. Libreng download din ang mga 'yan kung tipo ninyo.

Sagad
Trip ko sa intro nito, morse code. 'tas ginamitan ko din ng mga arpegiated na tunog ng Microkorg.
https://soundcloud.com/slav3unitsideb/sagad

Hollow
Na-inspire ako sa tunog ng OST ng pelikula na Her. 'tas nagkataong may eksaktong ganong tunog ang Microkorg. Ang drums nito ginawa ko sa Figure iPhone app ng Propellerhead.
https://soundcloud.com/slav3unitsideb/hollow2

Balikan
Gustong-gusto 'yung mga mabibilis na drums ng Atari Teenage Riot. Kaya binanatan ko sa Maschine.
https://soundcloud.com/slav3unitsideb/balikan3

Kung may nagustuhan kayo dito, meron pa 'yan sa Soundcloud ko:
https://soundcloud.com/slav3unitsideb

*apir*

All original, all DIY, all rights reserved.


It's a minor 7 life.

facebook.com/slav3unit

Offline kelen

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #1 on: March 14, 2015, 12:43:08 AM »
ganda bro

Offline slav3unit

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #2 on: March 15, 2015, 12:51:12 AM »
ganda bro

Salamat, pre!  Post ka rin ng gawa mo sa thread na 'to.   :)
It's a minor 7 life.

facebook.com/slav3unit

Offline kelen

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #3 on: March 15, 2015, 11:06:54 AM »
Ano pinang mix mo?

Offline slav3unit

  • Philmusicus Noobitus
  • *
It's a minor 7 life.

facebook.com/slav3unit


Offline slav3unit

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #5 on: April 06, 2015, 08:13:50 AM »
Bale dito, may napakinggan akong remix ng kanta ng NIN na Where is Everybody ang title.  Ang lupet, 'yung mga tunog parang 'yung 'pag may nag-error habang pinapakinggan mo sa bulok na computer, mga "glitches" ba.  Siyempre, kinailangan kong magsulat din ng parang ganoon.  Idol, e.

Naghanap ako sa internet ng filter o plug-in.  May nahanap ako at libre pa!  Gawa siya ng Glitchmachines​.

'eto ang labas.  Remix ko ng luma kong kanta.  Check out n'yo naman.  Libreng download din 'yan kung matipuhan.  Pwedeng panakot sa daga, o ipis.  hehe.

https://soundcloud.com/slav3unitsideb/allegoryremix

Tenkyu!

All original composition, all DIY, all rights reserved.

'eto 'yung plug-in:
http://www.glitchmachines.com/downloads/fracture/
It's a minor 7 life.

facebook.com/slav3unit

Offline chiqgarcia

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #6 on: April 17, 2015, 02:01:23 PM »
@ slav3unit

pre, may alam ka bang e-book/any reference regarding sound design/replicating other synth sounds?

im just a noob/preset surfer to synthesis and i just use synth1.
Postcoital bliss is not a government housing project in Quezon City.
VidProkEnMasse ~ video processing software
http://vidprokenmasse.blogspot.com/2014/07/vidprokenmasse.html

Offline sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #7 on: April 17, 2015, 02:24:46 PM »
following this thread, I've yet to play with my Maschine (at walang soundcloud sa office  :eek: )
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Offline slav3unit

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #8 on: April 20, 2015, 10:41:08 PM »
@ slav3unit

pre, may alam ka bang e-book/any reference regarding sound design/replicating other synth sounds?

im just a noob/preset surfer to synthesis and i just use synth1.

Newbie din ako sa mga synth, pre, e.  Pag-adjust lang ng reverb, attack at chorus sa mga stock na presets ang pinakamalayong nagawa ko sa pag-design ng tunog.  'yung Maschine kasi, daang tunog na ang kasama, e, halos mahahanap mo kung ano ang naiisip mo.  Sa Microkorg naman, 'di naman daan, pero marami ring presets.

Youtube lang ang maisa-suggest ko.   :-(

Salamat sa pag-view!
It's a minor 7 life.

facebook.com/slav3unit

Offline slav3unit

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Gawa Gamit ang Microkorg at Maschine
« Reply #9 on: April 20, 2015, 10:50:04 PM »
following this thread, I've yet to play with my Maschine (at walang soundcloud sa office  :eek: )

Salamat!  Nakakalito sa simula 'yung Maschine.  Pag-set-up pa lang ng audio driver, kalahating araw ang naubos ko.  Galing kasi ako sa walang experience sa paggawa ng beats.  Maschine Mikro lang ang gamit ko.  'yung pinakamura nila. 

'pag may nagawa ka na, o kahit sino'ng nakakabasa nito, post natin dito sa thread.

'eto pala latest ko galing sa Maschine. 
'yung synth inspired 'yan ng kanta ng 10cc na I'm Not In Love. 
'yung drums, inspired ng mga 80s retro style na kanta,
'yung lyrics, style new wave na masaya/malumanay yung melody, pero ang laman ng lyrics dark/violent.
Free download 'yan.  Salamat!

https://soundcloud.com/slav3unitsideb/barillasonsibatpatalim2

« Last Edit: April 24, 2015, 05:11:25 PM by slav3unit »
It's a minor 7 life.

facebook.com/slav3unit