hulika

Author Topic: Recorder  (Read 2025 times)

Offline wildcardxp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Recorder
« on: June 11, 2015, 10:38:21 PM »
Mga sir wala akong makitang thread about recorders (maybe kasi mukhang laruan lang hehe). Six years na akong tumutugtog ng recorder (mas matagal kaysa gitara at drums) at sa loob ng six years yung MAPED na plastic recorder lang ang ginagamit ko everytime na tumutugtog kami ng mga ka-jam ko. Mayroon din pala ako dating bamboo flute kaso madali syang nasira. Sa buong buhay ko bamboo recorder lang ang "KAHOY" na recorder na nagamit ko.

Yung MAPED ko kasi pumipiyok na. May nabasa akong article online about wood recorders. Sabi mas maganda ang tunog ng mga wood recorders kaysa sa mga plastics. Nung nag-check ako one time sa JB Music SMF plastics lang nakita ko. Nauwi din tuloy ako sa pagbili ng FERNANDO na plastic recorder for Php. 150 kaso hindi ko nagustuhan ang tunog kaya pinamigay ko na lang sa kaibigan ko sya ngayon yung gumagamit.

Balak ko kasing bumili ng recorder na kahoy. So ito mga tanong ko:

1. Nakakalas din ba yun gaya ng mga plastic recorders? If ever hindi, paano ko sya lilinisin?
2. Umaabot ba yun hanggang 3rd octave C? Kasi 2nd octave G hirap na yung plastic recorder ko.
3. Key of G ang ginagamit ko kasi standard tuning lang lagi ang gitara ko. May mahahanap ba akong key of G na wood recorder?
4. Anong magandang brand? Saan makakabili? Magkano ang price range?
5. Curious lang din pala kung meron bang brass recorder?

Salamat sa mga sasagot ng mga katanungan ko.  :)



Offline littletrumpet

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #1 on: June 22, 2015, 08:08:59 PM »
Nakakalas din po yung wooden recorder, same lang yung octaves ng plastic at wooden recorders, meron din po palang bass na wooden recorder....sa brand naman maganda yung mollenhauer kaso wala nun dito sa pinas, sa yamaha may tinda silang wooden recorder na made of maple, mga 5,000 + pesos yung price, soprano recorder po yun, though im not sure kung ganun parin price...hope it helps..;-)

Offline littletrumpet

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #2 on: June 22, 2015, 08:18:05 PM »
Wala rin pong brass recorder..

Offline littletrumpet

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #3 on: June 23, 2015, 10:39:10 PM »
Mollenhauer top of the line nila mga rosewood  ata yung kahoy mga 10000k above ata yung price..top of the line na yun

Offline wildcardxp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #4 on: July 08, 2015, 04:54:41 PM »
Nakakalas din po yung wooden recorder, same lang yung octaves ng plastic at wooden recorders, meron din po palang bass na wooden recorder....sa brand naman maganda yung mollenhauer kaso wala nun dito sa pinas, sa yamaha may tinda silang wooden recorder na made of maple, mga 5,000 + pesos yung price, soprano recorder po yun, though im not sure kung ganun parin price...hope it helps..;-)

Sa YUPANGCO ba sir may YAMAHA na wooden recorder? Salamat pala sir sa pagreply.


Offline littletrumpet

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #5 on: July 11, 2015, 09:05:24 PM »
you are welcome..:-) Dati may nakita akong Yamaha soprano wooden recorder sa SM North Edsa, made of maple siya mga 5k worth. May 2 kinds of fingering yung recorder, German or Baroque. That was long ago pa. I dont know if they still sell that type of recorder. Probably meron sa Yupangco kasi sila official distributor ng Yamaha eh...

Offline wildcardxp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #6 on: July 17, 2015, 12:19:35 AM »
you are welcome..:-) Dati may nakita akong Yamaha soprano wooden recorder sa SM North Edsa, made of maple siya mga 5k worth. May 2 kinds of fingering yung recorder, German or Baroque. That was long ago pa. I dont know if they still sell that type of recorder. Probably meron sa Yupangco kasi sila official distributor ng Yamaha eh...

Thanks sir. Ano ba yung difference ng dalawang fingering styles na yan? 6 years na akong tumutugtog ng recorder and sad to say hanggang ngayon wala akong alam sa mga fingering styles ng recorder eh. Ngayon ko lang din nalaman na may dalawang fingering styles pala ang recorder. Yung sa regular plastic recorders na nabibili madalas sa mga bookstores like MAPED, FERNANDO, etc. soprano recorder ba yun? At anong fingering style naman yun? Pasensya na sir hindi ko talaga alam kahit na ang tagal ko nang tumutugtog ng recorder. Basta ang alam ko lang sa recorder kapag bumibili ako, key of G ang dapat kong bilhin kasi katono sya ng standard tuning ng guitar.

Offline littletrumpet

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #7 on: July 26, 2015, 10:32:44 AM »
Yung dalawang fingering styles sa recorder ay  german at baroque, depende lang sayo kung anu pipiliin mong fingerings, nakalagay din sa mismong recorder kung anong klaseng fingering yung dapat mong gamitin, may letter kasi na nakalagay sa likod ng recorder dun malapit sa pinch hole, letter b or g nklagay. Depende sayo kung anung style gusto mo matutunan. Yung maped at fernando recorder soprano recorder yun..:-) pede kana rin maglaro ng sax or clarinet nyan....haha:-)...pano ka pla tumutugtog? ano binabasa mo? letter notes o yung music notes?

Offline littletrumpet

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #8 on: July 26, 2015, 10:49:27 AM »
Medyo.similar fingerings nila lalo na sa sax haha...

Offline wildcardxp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #9 on: October 04, 2015, 03:15:40 AM »
Yung recorder na worth 150 sa bookstore yung gamit ko. German ata yun.

Offline littletrumpet

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #10 on: October 06, 2015, 01:07:02 AM »
Try mo rin mag yamaha plastic recorder 199 lang...:-) or sa online parang may murang woiden recorder yung hohner maple recorder mga 29dollars ata sa amazon,

Offline wildcardxp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #11 on: October 07, 2015, 12:22:55 AM »
Letter notes at music notes pareho kong binabasa. Try ko minsan dumaan sa SM North para bumili ng recorder sa Yupangco after class malapit lang dun school ko.

Offline sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: Recorder
« Reply #12 on: October 07, 2015, 09:25:43 AM »
ang alam ko yung fingerings depende rin sa recorder mismo at ang magdidikta nun yung laki ng butas ng fingerholes.

IMO pagdating sa wood vs. plastic, mostly sa tone magkakatalo. kung intonation and playability ang problema, sa tingin ko ok lang kumuha ng mas high quality na plastic recorder tulad ng Yamaha. Yung Maped at Fernando kung mapapansin mo may mga rough edges kung saan minakina yung plastic, at malaki ang effect nito sa playability and intonation lalo na kung yung mga rough edges nito ay nakakasagabal sa pag-fit ng mga piyesa nung recorder.

Further, kung di kamahalan ang budget para sa isang wooden recorder, sa tingin ko stick na lang ako sa plastic na maganda ang gawa. for one, mas madaling magkamali sa paggawa ng wooden recorder na low end kasi hindi pagtitiyagaan ng manufacturer yung mga tolerance at manual intonation na makikita sa 100K na wooden recorder. pangalawa, pag plastic, sakto yan at computerized kaya basta pulido ang manufacturing, tuned sya to perform at its best. Personally kung wood yan, ihahanda ko na yung bulsa ko for around 15-20 k to get my money's worth for a decent wooden recorder.

My recorders are all Yamaha plastics, isang alto, dalawang soprano, yung isa nga student model na transparent plastic, but I prefer their beige plastic ones kasi mas ok ang intonation at mas swabe yung tone. I also bought this tiny one in F, sopranino ata, to cover the higher range although hirap ako sa fingering kaya namimili din ako ng key (di naman ako expert recordist hahaha).
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Offline wildcardxp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Re: Recorder
« Reply #13 on: May 24, 2016, 02:50:38 AM »
Salamat mga sir.

German Fingering
Soprano Recorder
Key of ____?

Isang tanong na lang mga sir. Key of C o Key of G? Yung MAPED plastic recorder ko naka-indicate dun G pero middle C ang lowest note nya. Kasi sa harmonica nakalagay key of C tapos C yung lowest note kaya medyo nagtataka ako bakit iba ata sa recorder, key of G tapos lowest note middle C.

Nagpaplano kasi ako magpabili sa pinsan ko na nagtatrabaho sa Hong Kong ng Mollenhauer na wood recorder. Nakita ko sa website ng Mollenhauer na may distributor sila sa Hong Kong at Taiwan. Mahirap kasi baka magkamali ako ng maibigay na specs masasayang lang. Hindi kasi tumutugtog yung pinsan ko kaya bibigay ko na lang yung specs tapos sya na bumili sabihin na lang nya sa music store yung specs na binigay ko. Babaabayaran ko na lang pati shipping kung mura lang yung shipping kung mahal hintayin ko na lang na umuwi sya dito sa bansa hehehe.

Maraming salamat ulit sa payo at tulong, malaking tulong kayo sir.  :)

Offline jamoy

  • Netizen Level
  • **
Re: Recorder
« Reply #14 on: June 08, 2016, 10:45:45 PM »
Last week lang..sinamahan ko yung mama ko sa tiange dun samin...Dun kasi sya namimili ng chinawares,clothes, items na bagsak galing japan, etc....
habang hinihintay ko sya nakikalkal na din ako.may nakita akong bag na maliit may nakaprin na yamaha, so dinampot ko, akala ko tools sa motorbike ang laman kasi hindi ko binasa yung label, yung brand lang ang pinansin ko, yamaha. pag bukas ko 3 piece recorder pala. may grease pang kasama tsaka cleaning rod. nabili ko ng 100php. in good condition sya mga sir. kaya hindi ko na pinalampas.

nung pagkauwi nilinisan ko tapos nagtry ako magplay... F ang lowest note nya.. hindi mid- C katulad ng recorder na gamit ko dati. Tinignan ko yung bag, alto recorder sya, Baroque. So iba pala fingering nya dun sa previous recorder ko.nuon ko lang nalaman. Dito ko lang din naverify.

Aside dun sa yamaha meron pang ibang recorder dun, kaya lang kulang kulang yung laman ng bag. Pero buo pa din yung recorder, ang missing lang is yung cleaning rods at yung grease.