hulika

Author Topic: Global JR Drum Set - Is it good for a beginner? Or is it only for kids?  (Read 2702 times)

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Nakita ko po kasi na mura ang Global JR Drum set, pero dahil sa net ko lang siya nakita, hindi ko alam kung pang bata ito o pwede na for a beginner. Kasi kung hindi iyon yung bibilhin ko, e baka bumili ako ng second hand na Reynolds (ata) na drum set, pero walang cymbals (and as is siyang mabibili, since sa net din siya huhu) Please help. Yung extremely mura na set lang ang kaya kong bilhin kasi beginner palang ako and as a hobby ko lang siya. Aaralin ko ang drums for the sake lang na matuto akong mag drums (for music!! haha).

Any ideas/suggestions are appreciated. Thank you!! :D

Offline nairazc621

  • Philmusicus Noobitus
  • *
I suggest na bumili ka na lng siguro ng 2nd na mga kit  :-D, mag kano po ba budget nyo ? :D

Online sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****
kung hindi aabot ng 10k pataas ang budget mo, I suggest mag lesson ka na lang ng drums. mga 5-6k lang ata yun depende kung saan tapos may kit ka na mapapalo at may magtuturo pa sayo. kung super cheap drum set kasi ang laki ng ilalabas mo na pera, di mo naman mababawi, at di mo magagamit nang maayos and in turn di ka matututo. bale sayang pera. pag naglesson ka, natuto ka na nakarenta ka pa ng gear na at the very least decent  :)
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
Ehehe may nakita akong 2nd hand kit natawaran ko ng 3,500. Pero walang cymbals. Merong snare, bass, tom toms na dalawa, floor tom, tsaka hi hat. okay na ba yun kaya? kasi kung halimbawang magpapaturo ako na 500/session, hindi ba mas mapapamahal ako noon? and kung hindi man ako matuto, ay pwede ko namang ibenta ulit yung kit na bibilhin ko (this June 20 ko sya makukuha haha).

Yun nga lang, as is ko siyang mabibili, at hindi ko alam kung paano ko siya iccheck, kung maayos ba yung tunog niya o ano. Any suggestions? Ano ba yung tunog na masasabi mong maayos ang tunog ng kit? And okay lang ba na wala muna akong cymbals, hi hat lang?

thank you sa mga sagot ninyo! :D

kung sa akin dapat may ride at crash din. pwede ka malibang sa may hi hat lang pero di ka matututo nang maayos. At the very least kailangan may crash o kaya crash/ride, pero minimal requirement na yun. Masesetback ka ng at least 1k para lang magdagdag ng isang cymbal na may stand. IMO for that price sulit na sakin ang lessons. at least sureball ako more or less tama ang natutunan ko, may magandang foundation na ako para magpalawak ng skills on my own, kahit anong kit ako umupo malilibang ako. Tsaka kung matripan ko nga ang drums as a hobby papalitan ko din naman yung drums nang maayos na set,sigurado ako sobrang palugi or libre ko lang ibibigay yung set na yan para mapakawalan lang.

Kung kukunin mo naman yung kit, basta hindi tunog karton, walang nagrarattle, at walang bumibigay na part pag pinalo. yung mga cymbal dapat walang crack. yung mga screws, nuts at bolts dapat hindi stripped o kaya na-set na ng kalawang. check mo kung may pedal yung bass drum mo, baka lang wala, double check mo. Basically ang drums kahoy na may nuts and bolts yan, so pag may cracked or stripped na kahit ano bad deal yan. sa tunog sa totoo lang sa price range nyan basta di karton ang tunog pwede na.
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
actually na try ko yung 1st session. rudiments. gets ko naman na yun talaga ang foundation mo, pero yung pinagawa sa akin na quarter, eighth at sixteenth notes na single stroke na paulit-ulit, feeling ko nasayang yung isang oras ko huhu :( gets ko naman na kailangang ma practice yun, pero sana binigay na lang niya as a homework, at nag proceed sa iba pang lesson. kasi meron sa amin na 100/hour ang rental ng drums. sana doon na lang ako magppractice ng rudiments, para yung 500/hour ko na may tutor, magamit yung oras para mas madami ang macover na lessons. well, yun lang naman ang opinyon ko.

meron akong dinownload sa net yung sheet ng mga simple beats and syempre, yung basic na rudiments (although hindi ko pa rin alam ano ibig sabihin ng rudiments haha)

thank you sa tips!! :) disidido na kasi akong bilhin yung kit. masyado kasing mura (kahit na suspicious nga kasi mura), baka sa susunod wala na akong makikitang ganoong ka murang set.

actually kaya ko gustong matuto e dahil gusto kong gumawa ng sarili kong mga kanta, na ako lahat ang gagawa maliban sa vocals. so ako yung gagawa ng guitar riffs, bass lines, drum (fills?) (yun ba tawag doon?), lyrics, pati pag mix nung kanta, gusto ko ako lahat ang gagawa.

okay lang ba na sa'yo ulit ako magtanong if ever may questions pa ako in the near future? :D

Sobrang salamat sa tulong mo!

Cheers,

Kat

Online red lights

  • Philmusicus Addictus
  • *****

^ mabait yan si bro sonic, kahit problema sa puso masasagot ka nya  :-D
Kahit na nasasaktan, Hindi pa rin mahindian

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
ehehe. thank you sa lahat na din ng gustong tumulong. :) matagal ko nang gustong matutong magdrums ayaw lang ng parents ko kasi maingay daw haha

Online red lights

  • Philmusicus Addictus
  • *****

^ isoundproof mo yung kwarto mo, idol sonic paano nga ba mag-soundproof ng kwarto?
Kahit na nasasaktan, Hindi pa rin mahindian

Online sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****
actually na try ko yung 1st session. rudiments. gets ko naman na yun talaga ang foundation mo, pero yung pinagawa sa akin na quarter, eighth at sixteenth notes na single stroke na paulit-ulit, feeling ko nasayang yung isang oras ko huhu :( gets ko naman na kailangang ma practice yun, pero sana binigay na lang niya as a homework, at nag proceed sa iba pang lesson. kasi meron sa amin na 100/hour ang rental ng drums. sana doon na lang ako magppractice ng rudiments, para yung 500/hour ko na may tutor, magamit yung oras para mas madami ang macover na lessons. well, yun lang naman ang opinyon ko.

meron akong dinownload sa net yung sheet ng mga simple beats and syempre, yung basic na rudiments (although hindi ko pa rin alam ano ibig sabihin ng rudiments haha)

thank you sa tips!! :) disidido na kasi akong bilhin yung kit. masyado kasing mura (kahit na suspicious nga kasi mura), baka sa susunod wala na akong makikitang ganoong ka murang set.

actually kaya ko gustong matuto e dahil gusto kong gumawa ng sarili kong mga kanta, na ako lahat ang gagawa maliban sa vocals. so ako yung gagawa ng guitar riffs, bass lines, drum (fills?) (yun ba tawag doon?), lyrics, pati pag mix nung kanta, gusto ko ako lahat ang gagawa.

okay lang ba na sa'yo ulit ako magtanong if ever may questions pa ako in the near future? :D

Sobrang salamat sa tulong mo!

Cheers,

Kat

next time na lalapit ka for lessons, sabihin mo dun ka sa advanced, usually yun yung grooves na. naglessons ako sa RJ dati, yung "advanced" para lang may tumutok sakin, yun graduate na yun sa rudiments.

sa goal mo naman, ayos yan, pero kailangan mo talaga mag-invest pa sa ride at crash. ang kaso lang mapapamahal ka na nun, kasi kung cheap din ang bibilhin mo garantisado sandali lang ang lifespan nyan. abang-abang lang sa classifieds para sa mga deals na ok  :)

^ isoundproof mo yung kwarto mo, idol sonic paano nga ba mag-soundproof ng kwarto?

pagawan ng kwarto yung loob ng kwarto  :lol: di ako naka soundproof eh, kaya weekend lang nakakapalo  :lol:
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Online red lights

  • Philmusicus Addictus
  • *****

dapat siguro dito kay TS electronic drums para di mapagalitan  :lol:
Kahit na nasasaktan, Hindi pa rin mahindian

Online sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****

dapat siguro dito kay TS electronic drums para di mapagalitan  :lol:

actually. diba may nagbebenta dito ng ringway na 11K? natetempt nga ako dun eh kahit alam kong di aprub si pareng ralph  :lol:
TS, meron din yung Medeli na mini electronic drums, 7K ata?
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Online red lights

  • Philmusicus Addictus
  • *****
actually. diba may nagbebenta dito ng ringway na 11K? natetempt nga ako dun eh kahit alam kong di aprub si pareng ralph  :lol:
TS, meron din yung Medeli na mini electronic drums, 7K ata?

ayun TS! konting dagdag pa
Kahit na nasasaktan, Hindi pa rin mahindian

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
haha. sayang. ayaw ng magulang ko na gumastos ako beyond 5 e. -_- alam kong wala akong mabibiling maayos na drumset sa ganoong presyo. kasi nagpabili na ako dati ng piano na 50k. tapos violin na hindi ko rin natutunan. tapos mga nakatambak na gitara haha. kaya ayaw na nila na bumili ako ng drumset na mas mahal sa nakita kong 3,500 kasi baka di ko rin daw ituloy.

by the way, ito pala yung sinasabi kong nakita kong murang drums. ano sa tingin ninyo?
http://olx.ph/item/reynolds-drum-set-ID6Na4M.html?p=32#879942abb1

:)

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
anyway nakausap ko na pala yung may-ari na bibilhin ko na iyon. alam ba ninyo kung ano yung probability rate na hindi maganda yung tunog nung drum kit na 'yun? Magbabago ba yung quality nung sound pag pinalitan ko yung skin? lalo na yung sa snare at bass?

sir sonic I think may pedal naman po pareho yung bass at hi-hat :D

pero in fairness po mabait yung nagbebenta haha (Hi Kuya Lance if ever na mabasa mo ito!)

Online sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****
anyway nakausap ko na pala yung may-ari na bibilhin ko na iyon. alam ba ninyo kung ano yung probability rate na hindi maganda yung tunog nung drum kit na 'yun? Magbabago ba yung quality nung sound pag pinalitan ko yung skin? lalo na yung sa snare at bass?

sir sonic I think may pedal naman po pareho yung bass at hi-hat :D

pero in fairness po mabait yung nagbebenta haha (Hi Kuya Lance if ever na mabasa mo ito!)

mataas ang probability na hindi maganda ang tunog  :lol: of course gaganda yung quality ng tunog pag sinalpakan mo ng bagong heads, pero depende rin sa heads yan, kailangan at least yung sa linya ng remo ux/fernando na heads. mga 150 per head ang budget dyan. kung kukunin mo na, siguruhin lang na ok ang hardware at may bass pedal. yung ibang parts nyan kailangan ng additional budget, so diskarte mo na yun :) good luck!  :-D
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
ahhh. okay. I think mapag-iipunan ko naman na yung drum heads. ano po ba ang dapat na unahin kong palitan doon, yung snare po ba?
yung hi-hat po ano dapat ang tunog nun?

at saka paano po ninyo nasabi na baka hindi maganda ang tunog? cooooool  :mrgreen:

Online gss

  • Veteran Member
  • ****
ahhh. okay. I think mapag-iipunan ko naman na yung drum heads. ano po ba ang dapat na unahin kong palitan doon, yung snare po ba?
yung hi-hat po ano dapat ang tunog nun?

at saka paano po ninyo nasabi na baka hindi maganda ang tunog? cooooool  :mrgreen:

sir pwede rin kung gipit sa budget ibenta mo yung 2nd tom para may pangdagdag gastos ka, 1 hanging and 1 floor tom pwede na kasi sa gusto mo sa tingin ko. Tungkol dun sa unang papalitan, depende kung ano yung pinakapangit/sira na component e. sa hi-hat naman, sa tingin ko mas priority yung hi-hat stand kesa hi-hat itself, dapat consistent/smooth ang open/close movement, basta walang crack yung hi-hat, kahit may keyhole pa, pwede nang umpisahan. hehe basta masakit sa tenga pangit ang tunog...

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
oooooooh. okay okay. noted. thank you!! mga magkano ang bentahan ng tom? considering yung quality nung drum kit na yun? meron talagang mga murang drum heads? yung tig 150 daw sabi ni Sir Sonic? :D

Online sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****
ahhh. okay. I think mapag-iipunan ko naman na yung drum heads. ano po ba ang dapat na unahin kong palitan doon, yung snare po ba?
yung hi-hat po ano dapat ang tunog nun?

at saka paano po ninyo nasabi na baka hindi maganda ang tunog? cooooool  :mrgreen:

kung may upgrade path ka na isa-isa, snare, kick, cymbals, toms, hardware. kung magiging specific ako, snare, kick, ride, hi hat, hi hat stand, floor tom, rack toms, crash, cymbal stands. pero sigurado yung cymbals papalitan mo yan pag nasira na so replace mo once na masira. wag mo palitan ng same quality, diretso ka sa at least B8 cymbal, or mga Stagg SH, kahit second hand.

sa tunog naman nya sa mga cheap sets talagang di ka mag-eexpect ng magandang tunog masyado kasi yung mga bearing edge nyan hindi pulido (may nakita pa nga ako na 15k set na may malaking chip yung bearing edge), mahina yung tension na kaya ng tension rods. talagang pag di tunog karton panalo na yun. kahit palitan mo ng mamahaling heads, kung di naman maaalalayan nung drums at hardware mismo, pangit din yung tunog. so hanap ka lang ng tamang combo ng di mahal na heads na bagay sa kit mo.

yung tunog ng hi hat mahirap idescribe youtube mo na lang  :lol:
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
ehehehe, ano yung bearing edge? :))
pero thank you sa lahat ng suggestions ninyo!  :) :mrgreen:

Online sonicassault

  • Philmusicus Addictus
  • *****
ehehehe, ano yung bearing edge? :))
pero thank you sa lahat ng suggestions ninyo!  :) :mrgreen:

bearing edge yung edge ng drum kung saan naka-seat yung drum head. kumbaga sa cylinder yun yung kanto.
https://soundcloud.com/sonicassault
Quote
Turn up the sympathsizer and give me more waffle.
olive oil garlic tomatoes salt pepper basil oregano thyme chili

Offline ken minneman

  • Senior Member
  • ***
kung hindi aabot ng 10k pataas ang budget mo, I suggest mag lesson ka na lang ng drums. mga 5-6k lang ata yun depende kung saan tapos may kit ka na mapapalo at may magtuturo pa sayo. kung super cheap drum set kasi ang laki ng ilalabas mo na pera, di mo naman mababawi, at di mo magagamit nang maayos and in turn di ka matututo. bale sayang pera. pag naglesson ka, natuto ka na nakarenta ka pa ng gear na at the very least decent  :)

The best reply (I've read yet). And for sure sir, since kaya naman kitain ang pera, better option to. In the future since mas may experience ka na, magipon ka ulit, mas sound na ang judgement mo sa pagbili ng drums. Pwede ka na rin dumeretso sa pagbabanda since marunong ka na.

Bigyan kita ng idea ah. Ako, marami akong binili thinking na gagamitin ko (Punching bag, Ab Rocket, Sandamakmak na libro, pang massage). Okay naman intentions ko nung bago ko bilhin, pero di nag sync intention ko sa realidad. Ended up na nagsayang ako ng pera at nagdagdag ng kalat at pampasikip sa bahay. Pag binenta ko tong mga to, halos wala ng value. Bumaba na.

Baka ganun din ang mangyari pag bumili ka lowend drumset, di naman tataas value niyan. Invest ka sa Drum lessons. At least yun, experience ang puhunan. After mo mag drum lesson magkakaroon ka ng skill at mapapatunayan mo sa sarili mo kung gusto at kailangan mo ba ng Drums.

2 scenario lang yan.

1. Mag drumlesson ka ngayon- You'll gain skills faster. Pwede ka na magbanda agad after (Di mo kailangan ng drumset para matuto pumalo, ako airdrumming lang tsaka youtube tapos unan). After nun, ipon ka for a better set, may maganda ka ng judgement kung ano ang okay na drums sa hindi.

2. Bili ng lowend na Drumset or second hand (di  pa marunong pumalo)- Possible kang matuto, pero possibleng hindi, depende sa patience mo. Baka pag nagkadrums ka na eh maging busy ka at di mo mabigyan ng oras, or magrelax ka sa pag aaral knowing na may drums ka and you can study anytime. Kakaprocrastinate walang mangyayari, wala kang matututunan. Usually lang. Magiging panambak tuloy yung drums. Para kang nagtapon ng money since di mo naman mabebenta ng mas mahal yan. Kung sakaling matutututo ka man, unless na super driven ka. Matagal kang gagaling kung walang magaling na mentor. Trial and error talaga sir.

Honestly, di mo kailangan ng drumset para matuto. Unlike guitar tsaka keyboard na kailangan mo ng instrumento talaga. Drumpad, imagination, unan would do. Ako after 7 years ng drumming carreer ko, saka pa ako nagkaroon ng pambili ng sariling drums. Studyante pa ako nun. Ininvest ko oras ko sa Forums tsaka pagaaral ng palo since wala ako much money.  ayun :) 
keenevillanueva.wordpress.com

Offline ken minneman

  • Senior Member
  • ***
actually na try ko yung 1st session. rudiments. gets ko naman na yun talaga ang foundation mo, pero yung pinagawa sa akin na quarter, eighth at sixteenth notes na single stroke na paulit-ulit, feeling ko nasayang yung isang oras ko huhu :( gets ko naman na kailangang ma practice yun, pero sana binigay na lang niya as a homework, at nag proceed sa iba pang lesson.

Kat, basics yung quarter, eight tsaka sixteenth. Kung baga sa bata, ABCDEFG yan. Pero crucial. Sa kaso ng drums, there are so many wrong ways to do it. (Timing, value, Technique, Dynamics). I guess okay naman yung lesson. Kasi sakin dati yung drum teacher ko 1 hour naman.. 8th note single stroke sa hihats.. hahaha.. Ngayong marunong na nga talaga ako pumalo, naintindihan ko na tama at sobrang importante pala tinuro sakin.

Di ka pwede bigyan ng iba't ibang lesson at once. Di magiging kalidad learning mo jan. Parang tinuruan mo yung nursery magbasa agad ng di pa marunong sa alphabets. Another thing. Wag kana magrenta ng drums na 100 per hour para magaral ng rudiments. Kumuha ka ng telephone directory yun ang paluin mo, kung ayaw mo rebound mag unan ka, bumili ka ng drumstick,  tapos kung may headset at PC ka. Login ka rito http://www.metronomeonline.com/ para may free metoronome ka. hehe..
keenevillanueva.wordpress.com

Offline kttp

  • Philmusicus Noobitus
  • *
huhuhuhuhu. Mukhang mauuwi ako sa 2nd scenario mo, Sir Ken.  :cry:
Bukas (Sabado, June 20'15) ko na kasi makukuha yung 2nd hand drum set. Hindi ko rin sya matetest on the spot.
Although, baka ibenta ko yung isang tom doon para makabili ako ng cymbals. pero, ano yung ibebenta ko doon? paano nga pala nagkaroon ng pagkakaiba yung mga tom? ehehehe.

so.... kung itetest ko yung drum (para malaman ko kung magsisisi ako o hindi hahaha), titignan ko kung tugnog karton yung drums o hindi? haimbawang pangit nga ang tunog, at hindi ko na siya pwedeng ibalik (dahil 'as is' ang condition na binigay ng seller), ano ang pwede kong gawin para at the very least ay gumanda ang tunog niya kahit papaano?

sobraaaang salamat sa tulong ninyo!!!

nasa banda (dalawang banda actually hehehe) kasi ako, pero gitara ang hawak ko. so kahit papaano ay may alam ako sa rhythm. wala akong alam sa music theory, though. so tama nga kayo, ang aaralin ko muna ay yung quarter, eighth, at sixteenth note beats. haha. pano pala yung tempo? di ba naapektuhan nun yung notes mismo?

sorry ang dami kong tanong haha. halatang beginner ako, no?  :lol: