ANONG KASO? bakit? confused ako.sino si vinci? hahaha
Pagkaalam ko, dismissed ang kasong isinampa kay Vinci. At parang may countersuit 'atang sinampa si Vinci laban sa kanila.
To make a long story short...
Nung minsan, nagka-alternate ang grupo ng isang drummer na nagngangalang Vinci at ang grupong Cueshe sa isang venue. Nagmagandang loob si Vinci na ipagamit sa drummer ng Cueshe ang drum set niya. Nung sasampa na sina Vinci, aba'y sira na yung head(s) ng isa o dalawa sa mga drums niya (di ko na maalala kung isa o dalawa).
Nung binati ni Vinci ang punit niyang head(s), nagtaray/nagsungit pa raw ang manager ng Cueshe at sinabing,
"'Wag ka mag-alala! Papalitan namin 'yan!" sa hindi raw magandang tinig/tono ng boses.
Nung naniningil na si Vinci, sobrang pahirapan pa raw makuha ang kapalit o ang pambayad sa nasirang drum head(s).
Ngayon, nung nagsabi ng sama ng loob si Vinci sa isang e-group para sa mga Pinoy na drummer at kinuwento niya ang mga pangyayari, aba'y nag-react ang Cueshe ata ang kanilang manager. Nakuha pa nilang sampahan si Vinci ng kasong libel/defamation!
Meron lang talaga sigurong mga taong sadyang k_pal lang talaga.
Sige, Cueshe, sampahan niyo ako ng kaso dahil sa post na ito. Para pwede ko kayong pagka-pera-han.