A scenario at
Yamaha SM North Edsa.Me: Kuya magkano yung Sabian AAX Crash niyo?
Salesman 1: Ay! Dun po kayo magtanong. (Tinuro yung ibang kasamahan sa trabaho habang nakaupo at nakikipagchikahan kay Salesman2)
Me: Kuya magkano po yung Sabian AAX Stage Crash niyo?
Salesman 3: (Hinahanap sa pricelist) blah blah pesos po. (nakalimutan ko na yung presyo. haha)
Me: Ganun po ba? Ano po bang sound nun bright po ba? blah blah..
Salesman 3: (Tinanong yung isang kasama na nakikipagchikahan din sa isa nilang saleslady)
Salesman 4: Opo. Bright po. (Balik ulit sa pakikipagchikahan sa isa pang saleslady)
May itatanong pa sana ako, kaso mukhang ayaw na nilang magentertain ng questions. Costumer ako, dapat kami ang pina-prioritize nila. Di tulad sa
Perfect Pitch SM North, pagkapasok pa lang namin inentertain na kami agad. Pinatry pa yung Boss DD7 nila, pinapili pa kami kung anong gitara yung ipangdedemo which is a fender strat, and pinatesting sakin yung mga sabian cymbals nila dun. Next time babalik ako dun.