mods: tried posting dun sa drum machine thread pero weird. nasusulat sa thread pero hindi sya lumalabas sa first page for new posts...
konting sharing lang dun sa experience ko with drum machines.
dati, ang ginagamit ko ay isang maliit na relatively basic metronome. May mga times na gusto ko during practice, after ng ilang bars, mawawala ang click, tapos pagkaraan ng ilang bars, babalik ulit -- and kapag bumalik ung click sound and swak pa ung palo ko, i know more or less na medyo ok ung internal time ko..
hindi kaya nung maliit na metronome ko yon... so naghanap ako ng way... nung una, sabi ko, sa computer na lang, hahanap ako ng free software.. kaya lang sabi ko, kailangan everytime na kakailanganin ko, dapat naka-on pa ung computer.. eh medyo jurrasic ung computer, matagal mag startup.. and hindi na din ako nakahanap ng ok na software... he he he..
tapos, sabi ko, ok siguro kung medyo high end na metronome... medyo mahal nga lang. tapos biglang nakakita ako ng murang second hand na drum machine (boss dr 770) -- mas mura dun sa sa brand new na high end metronome (rhythm watch or click station). So un ang binili ko..
natuwa naman ako kasi :
-- madali iprogram, pwedeng combination ng notes (quarters, half, 16ths, 32nds, 16th and 32nd triplets). So sa isang bar, pwede ko ilagay ang combinations, unlike dun sa una kong metronome na isang klaseng note lang sa isang measure
-- pwede din na iprogram ko na 4 measures may click/sound, then next 4 walang sound, then loop. So in essence, may 8 measures loop ako with the first 4 measures may click then the next 4 wala.. malalaman ko kung pagbalik nung loop eh nasa timing pa ako..
Tapos lately, i've been playing around with the different rudiments around the drum set... Since wala akong drums and practice pad lang and madalas sa gabi ako may naiisip, ang ginagawa ko, program ko dun sa drum machine (medyo mabilis lang din mag program) tapos maririnig ko na (via headphones) kung ano ang magiging tunog sa kit.
And since drum machine sya, pwede akong mamili ng drum kit na kung saan i-aaply yung pattern na yon -- so pwede kong sabihin na gamitin nya sa standard drum set, or sabihin ko brushes ang gamitin nya instead of regular sticks.. tapos pwede pang i-apply yung pattern sa electronic sound like a tr808, tr909 or other special effects kit...
Ang naiisip kong analogy ay:
hit patterns = letters
drum kits = fonts
Kapag nagtatype, itaype ko ung letters, tapos pwede kong apply-an ng iba't ibang fonts, mag-iiba ang itsura. Sa drum machine, iprogram ko ung patterns, apply-an ko sya ng iba't ibang "drum kits" na nandon sa drum machine, nag-iiba ang tunog.
Isa pang natuwa ako eh since drum machine, pwedeng baguhin ung tempo.. so malalaman mo rin ang tunog nya kung mabilis sya or mabagal sya -- may mga times kasi na hindi mo pa sya kayang "physically" i-play ng mabilis pero with the use of the drum machine, pwede mong ma-simulate ung sound... malalaman mo kung ok ba sya mas mabilis or maganda ba syang gamiting fills or something.
Ok sana talaga kung sa drum kit mo try pero there are just times na hindi pwede gumamit ng tunay na kit eh..
May midi in and out din ito, so pwede kong kabitan ng alesis control pad or any other midi trigger to generate the sound..
so, if you're thinking of getting a high end metronome, also consider of getting a drum machine.
wala lang.. share ko lang... hth....