Teka di ata na-intindihan ni Danny Boy kung bakit ako asar e. Ulitin ko ha.
Pinapasok kita sa shop. Inentertain kita. Kinabitan kita ng scalarizer. Kahit na hindi for sale ang prototype ko ng acoustic scalarizer, nagpumilit ka ibenta ko. E di sige binigay ko.
Pinapasok kita dito bilang isang KAIBIGAN at yun ang tingin ko sa yo nuon. Kung hindi, pinag-hintay na lang sana kita sa labas. Nakakita ka lang ng turnilyo, magnet at wire. Sorry ka, hindi mo alam kung bakit ganun ang configuration nun at kung ano ang overlying technology. Pero yun yun e. Pinapasok kita dito bilang isang kaibigan.
Tapos me magtatanong lang sa forum kung ano ang laman. Aba e, spew ka na kaagad ! Hindi mo ba na-realize kung ilang pamilya ang pinapakain ng negosyong to ? Hinde ano ? Wala ka namang pakialam so okay lang yun.
Kahit na sabihing sobrang wala ka sa hulog, yung tangka mo na yon na paliitin ang produkto (e yan lang naman ang laman ng produkto ni Jobet blah blah) e yan ay isang tangka na makasira ng isang pinagkukuhanan ng kabuhayan ng maraming tao...akin, sampu ng aking mga empleyado. Naiintindihan mo ba yun o ganun na nasa pusali na ang pag-iisip mo ? Hindi ba malisyoso yun ? Ano ba ang motibo mo ? Magmarunong ? Makatipid ? Sabihin sa lahat ng tao na magtipid...bumili kayo ng P500 na strings na pinapalitan din naman pagtapos ng isang bwan, pero tipirin nyo ang P500 na scalarizer na pang-habang buhay ang pakinabang ? Anong klaseng pag-iisip yan men ? So ano motibo mo ? Wala nang bumibili ng gitara mo kasi pag na-scalarize na yung kahit Raon na gitara e maganda na, hindi na kelangan bilhin yung mga nilalako mo ?
Di nga kita maintindihan kung bakit ganyan hirit mo e. Hindi naman kita tinatalo'. Tinutulungan pa nga kita. Tsk. Ano uli tawag dun ?