around 10 years ago nang first time ako ma recruit sa variety band. (galing syempre sa rock) feeling ko madali lang ung mga songs. sa isang angulo, madali nga. nakuha ko agad ung mga chords ng 16 songs sa isang araw... ung 'feel' nun ang hindi ko nakuha. (ang tigas daw ng tipa ko at wala sa groove) at ung actual na maalala ko sya pag pinatugtog mo sa akin. since then hindi na ako nag-bother bilangin kung gaano kadami ang kaya kong siprahin sa isang araw. even though nag improve na ako since that time (sa tingin ko) marami pa rin akong sakit na di ko na matangal.
mga sakit:
-may sarili pa rin akong groove na kusang lumalabas (madalas nagcocompliment at minsan kumokontra sa rhythm/valor ng kanta)
-hindi na ako makatugtog ng plakadong guitar adlib/solo, dahil sa sa ehem... (1: hindi ito dahil sa hindi ko kaya, kumokontra lang sya sa natutunan kong pilosopiya, 2: mabilis ako maumay sa paulit ulit na ginagawa)
Ad lib» or «ad libitum» is Latin meaning «at one's pleasure ». In a musical context it means to be able to play freely for as long as you'd like...
(naka-pattern naman kahit paano sa orig na solo ung gawa ko due to respect to the original artist)
-hindi ko pa rin matandaan kaagad ang isang kanta maski nasipra ko na. (kung hindi ko siya kayang patutugin sa isip ko, hirap din akong tugtugin siya. kaya kailangan ko munang bugbugin sa pakikinig ung isang song habang may ginagawang iba.
-mabagal pa rin akong bumasa t sumulat ng nota. well hindi ko naman kasi inaaral e. (ayokong may binabasa sa stage, pakiramadam ko recital at hindi gig/show/entertainment)
mga natutunan/ nadevelop: (at lahat to e up to a certain level lang syempre. hindi kasama sa bilangan ung mga jazz (gustong pakingan pero walang balak tugtugin, ) at overly complicated na rock- (sawa na at iniwan ko na 10 years ago)
-nakaka recognize ako ng chord/progression ng walang hawak na instrumento
-kaya kong sumipra from memory
-kaya kong habulin ang isang kanta habang may kumakanta (kadalasan sa stage na mismo at marami rin akong natutunan na kanta sa ganitong paraan...)
-on the spot chord substitution/ rearrangement (pag tinotoyo at nasa mood)
-may panahon din na 'nakakanta' ko ung adlib/ improvisasion ko (di ko alam ung proper term e, basically nagiimprovised solo at minamouth ung ginagawa ko sa gitara ng sabay...)