may jam studio po ako, at isa ito sa malaking problema namin, kasama na rin ang mga nakakaputol ng stick.
pati hi-hats namin nagkaron ng maraming crack, minsan walang budget pamalit kaya ipapagamit pa rin namin hanggang maging China na tunog niya, at pagtagal ay mas maganda pa ang tunog ng yero.
karamihan kasi ng nagjajam sa amin ay mga baguhan kaya walang disiplina. May isa nga sa min na paglabas dumudugo yung kamay, di kasi marunong pumalo pero sobrang lakas humataw, Narda lang naman ang tinutugtog. Meron naman yung Black Metal ang banatan pero saktong-sakto lang ang treatment ng drummer sa cymbals, kahit loud, masarap pa rin pakinggan, at hindi basta2 mapupunit yung cymbals.