hulika

Author Topic: 17 hours in Olongapo - a blog  (Read 1596 times)

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
17 hours in Olongapo - a blog
« on: March 26, 2007, 11:29:46 PM »
Ang haba nitong sinulat ko! Haha. Pero dapat talaga matagal ko na pinost to e.  :-D

Niyaya ako ni Doc Cyrus Peralta, mentor ko at kasapi ng Word Community fellowship sa Olongapo, na tumugtog sa isa sa church nila, dahil gusto nilang may mag-demo na mga drummers sa kanila. Noong una, medyo tumanggi ako, kasi alam ko hindi pa ako ganun kahanda talaga na maging halimbawa para sa ibang mga tutugtog, lalo na sa mga nagbabalak pa lang maging musikero. Ang dami kong mga tinanungan na kapwa drummer dito sa Philmusic kung itutuloy ko ba ito o hindi. Sabi nila sige, go lang. Sinabi ko rn naman kasi may reward ako pagkatapos kong tumugtog, isang vintage Pearl President na 10” concert tom (pics tomorrow!).

Kaya yon, kahit medyo may pag-aalangan pa rin, tumuloy ako sa Olongapo noong gabi ng March 9. Sinundo ako ni Doc sa Megamall, at bumiyahe kami nung gabi. Medyo kabado pa rin ako sa mga mangyayari para sa kinabukasan, pero inisip ko ang maitutulong ko para sa community nila, na nagbigay sakin ng lakas ng loob na ituloy ito. Along the way, sa San Fernando, Pampanga, sinundo na rin namin si Jag Teruel, former student ni Michael Alba at Boy Lopez, and at 25, experienced showband drummer na sa China.

Pagdating sa Olongapo, nagkataon na may parang piyesta sa kahabaan ng isang boulevard nila, kung saan naglipana ang mga bar. May entablado na naka-set sa kalsada at may metal band na tumutugtog doon. Sabi sakin e active ang metal scene sa Olongapo, at sobrang dami daw doon na magagaling na drummer. Pumunta kami sa isang bar doon, at dahil kakilala sina Doc, nilagay kami ng bar sa isang lamesa na may magandang view sa stage.
Pinanood naming yung dalawang showband doon. Pinapanood ko yung mga drummer, siyempre, hehe. Ang gagaling nila! Talagang ang lilinis tumugtog!

Yung isang band, ok lang naman, at understandable, dahil mukhang mga beterano talaga. Yung sumunod na showband, dun ako na-elib, kasi mga teenagers lang sila, at sobrang pihado na ang set nila! Kinuwento sakin nina Jag na around 2 years ago, e wala talaga yung banda na yun, pero dahil sa determination, sobrang nag-improve ang lahat ng members noon. Sabi nga e, yung mga banda sa Olongapo, ang goal talaga e mapadala abroad. Sa tingin ko ang bandang yun e worthy talaga mapadala na.

Tinuro sakin ni Doc yung gitarista doon, sabi niya siya daw ang makakatugtugan ko kinabukasan, pinanood ko. Grabe ang galing, dahil at 18, jazz na talaga ang tugtugan niya. Dapat e sa UP College of Music siya ngayon, pero dahil sa hirap ng buhay, napilitan siyang sumali sa isang showband. Sabi ko nga e, pwede na siya isabak sa mga jazz night kasama sina sir Johnny, Tots, Mar at Koko sa galing niya. Mas lalo pa akong kinabahan tumugtog tuloy!
Pagkatapos naming mapanood yung mga banda sa Olongapo, hinatid na namin si Jag, at umuwi na kami ni Doc sa kanila. Pag-uwi, pinakita niya sakin ang mga gamit niya, na ika nga ni Inigo, mga “treasures ni Doc Cyrus”. Mga treasure talaga! Meron doon mga snare drum tulad ng Rogers 1963 Dynasonic maple, Rogers 70’s Dynasonic steel, 70’s Ludwig supersensitive, Tama Artwood piccolo (smaller version ng Artwood na benta niya sakin). Yung cymbals naman, merong Zildjian K Constantinople na 20” light ride at 16” crash, A Platinum series na ride at splash, Paiste 3000 na Novo china, Istanbul Mehmet hihats atbp! Nakita ko rin yung mga naka-case na Slingerland drumset na dapat e ibebenta sakin, pero sabi niya, pag-iisipan pa daw niya (argh!). Andun din yung Ibanez prestige na limited edition. Hehe, basta, andaming gamit. Pati nga yung jingle na ginagamit ni Bonham sa drum solo niya sa “Moby [sausage]” e pinakita niya sakin. Marami ring mga DVD, drum/bass/guitar mags, at mga instructional books. Naisip ko mandekwat, pero nakakakonsensiya e. Oo na, gear-obsessed talaga ako. Hehe.

Hindi ako makatulog noong gabi, kasi iniisip ko pa rin ang mga gagawin ko kinabukasan. Actually, sinasabi sakin ni Doc na mag-sample kung paano mag-groove (hahahaha!!!). Ang sabi ko na lang, tutugtog na lang ako ng gusto ko matugtog. Sabi ko “Message In a Bottle” ng The Police. Errr… Ayun, may accompanying bassist at guitarist ako, pero hindi kami mag-eensayo ng magkasabay! Kaya ayun, expecting the worst, pinatugtog ko on repeat ang iPod ko para ma-practice. Nakatulog ako na iisa ang kanta na tinutugtog ng paulit-ulit, baka lang ma-embed sa unconscious.

Kinabukasan, pumunta na kami sa community, dala-dala yung ilan sa mga gamit na nabanggit ko. Inakyat naming yung Slingerland kit, cymbals, hardware, amps atbp paakyat ng fourth floor ng building kung saan sila. Nakakapagod! Pero eventually naakyat naming lahat.
Napansin ko lang sa community nila, hindi pa masyadong ayos ang lugar, kasi kakalipat pa lang nila doon. Wala pa ngang kuryente noong pag-akyat namin e, ang sabi pa nga e matatagalan pa kami makapagsimula dahil walang kuryente. May isa pa akong napansin na interesting doon – ang house kit nila ay isang good condition na 1963 Rogers kit. Wow. Sinubukan kong tumugtog doon, at napansin ko rin na andun na rin yung AAX Fusion hats ni Kurt. Nakakatuwa tumugtog doon!

Nakita ko na rin sina Jag, at yung gitarista na makaka-jamming ko (ano ba uli pangalan nun?). Andun din si Nelson "Edong" Sonata, yung isa pang drummer na magde-demo sa araw na yun. Sabi sakin e student daw siya ni Vic Mercado, kaya medyo naintriga ako. Andun na rin si sir Ronnie, yung magbe-bass samin. Sobrang galing din nun! Basta.

Nagsimula na kami kahit walang kuryente sa venue. Gumamit na lang kami ng extension cord, at binuksan na lang naming yung mga lower-watt na amps para walang ma-short circuit. Nagkataon na ako pala ang mauunang tutugtog, hehe. Ayun, medyo ok naman ang nangyari, kaso dahil wala kaming practice na magkamasa, nagkalituhan kami sa bilangan ng parts. Pero ok lang, natapos pa rin naming ang kanta with grace.

Pagkatapos ko, biglang naayos na ang ilaw sa kuwarto. Hahahahaha!!!

Si Jag naman ang tumugtog. Drummer pala siya nina Doc Cyrus, ngayon ko lang nalaman, kaya tinugtog nila yung isang kanta nila. (bale siya pala ang nakapagturo ng groove tuloy!) Pagkatapos non, tumugtog naman siya ng isang composition ni Jun Regalado, yung ¾ ang time sig. Nakalimutan ko title e. Ang galing, wala pa siyang practice non ha, pero na-pull off pa rin niya!

Pagkatapos niya ay si Edong na ang tumugtog. Isa lang ang masasabi ko – halimaw siya! Ang unang kanta na tinugtog niya, with accompaniment from sir Ronnie at yung nakasabay kong gitarista, e “Spain” ni Chick Corea. Ayos, sobrang galing! Mula sa brushwork hanggang sa complete independence, ipinakita niya talaga ang technical prowess niya. Makikita niyo sa video na ito ang mga himalang ginawa niya:


Pagkatapos non, e tinugtog naman niya ang “Moby [sausage]” ng Led Zep. Hindi man niya natugtog ng note-per-note ang kanta, lumabas naman ang style niya – meron nga siyang parang mga signature moves niya, isang flam-triplet combination na may sobrang bilis na left hand doubles, at yung super-fast triplet doubleped chops niya na may sliding right foot. Basta, ang galing.
Pagkatapos ng mga performances, niyaya kami bumalik sa eksena para sa isang Q & A kasama ang audience. Ok ang audience namin, sobrang naging interesado sa mga ginawa naming. May ilan doon na nagbabalak pa lang tumugtog ng drums, kaya nakakatuwa rin pala na binigyan mo sila ng excitement. At dahil medyo baguhan ang karamihan, nahihirapan kami magpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng groove, ang pinagkaiba grips, atbp. Pero ok lang, as long as nakuha na namin ang interest nila, nakamit na namin ang sinadya namin doon. At lumabas din ang mga natutunan ko mula dito sa forum. O diba?!

Nagtapos kami ng programa, at pinag-usapan naming ang future plans. Nag-suggest ako na baka pwede isama sina sir Franklin at ang mga MOF people sa Olongapo para may iba pang workshops sa summer. Sana matuloy ang planong iyon.

Pagkatapos ng lunch break namin, kinailangan ko na rin magpaalam, dahil mahaba pa ang biyahe at may gig ako sa QC sa gabi. Sa biyahe, ang dami kong tinext na tao dahil sobrang naging euphoric talaga ako sa mga nangyari. At siyempre, natuwa talaga ako dahil nag-uwi na rin ako ng isang tom. Hehe. Pero sa tingin ko, ang totoong ikinatuwa ko ay ang dami kong nakilalang mga bagong kaibigan, at maraming nakihati sa kaligayahan ng pagtugtog!
Rakenrol!
« Last Edit: March 26, 2007, 11:52:26 PM by Gep »