oh god. your post sent chills down my spine man. damn. how unfortunate. dapat sa mga ganyang mga tao, eh binibitin ng patiwarik. walang magawang mabuti ampucha. wala akong masabi. sorry for your loss man... grabe.
damn. daming gamit yun. anyway... pare.. at least, di ba, hindi holdap na andun ka mismo.. masmabuti nang hindi kayo nasaktan ng gf mo, at wala kayo sa eksena.. at buti yung gamit lang sa ngayon, at hindi yung kotse. may friend ako (forumite din at professional musician), na-carnap yung pajero niya dati, eh andun yung mga bass at gitara niya at lahat ng effects. hindi na nakita after nun. grabe tlga yang mga yan. let's be on the look out for shady deals on the said items.
isang paalala pa sa mga nagcocommute na mga musikero dito:
last year, tumugtog kami sa UP, yung banda ng friend ko, bumaba ng cab, tapos nag uunload na sila from the cab's trunk ng gear nila. naibaba na halos lahat, naiwan na lang yung epiphone gothic lp, boss gt8 ng isang gitarista (na wala pang isang linggo sa kanyang pag aari! - he quit the band that night din. damn.). biglang umarangkada yung cab paalis. nde na nila nahabol at hindi rin nila nakuha yung plate number. so ang lesson dito: always list down the plate number of the cab ur riding.. tsaka always have a bandmate stay in the car habang hindi pa naibaba lahat ng gamit ng buong banda. kung kayo ang nag iisa lang na naka cab, wag niyong ilalagay sa trunk yung stuff, sa backseat lang.. tapos pag baba niyo, make sure na madadala niyo lahat ng gamit niyo pababa ng isahang beses lang. wag kayong mag iiwan kahit ano mangyari, bka biglang umandar. magbayad din kayo pag nakababa na kayo talaga. mahirap nang mawalan at manakawan.