hulika

Author Topic: pano ka naging drummer?  (Read 17080 times)

Offline rasta_gopz

  • Senior Member
  • ***
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #50 on: September 13, 2007, 04:30:59 AM »
guitarista talaga ako natutu lang ako mag drums sa mga kabanda ko wen i started earning money sa wakas nakabili na ko ng drums ko, and thats wen d addiction started

Offline intake

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #51 on: September 13, 2007, 05:15:06 AM »
o sya...tayo'y mag kwentuhan!

paano ba ako nagsimula?? nagsimula ako nung kasagsagan ng chicosci, slapshock, greyhoundz. dakilang listener lang ako nun, porma dito porma doon...feeling rocker kumbaga  :lol:

1st year high school ako nun, narinig ko lang sa chismis na magkakaroon ng battle of the bands..yung friend ko nakipagkewntuhan sa akin, balak nga daw nya sumali kaso ang problema walang drummer at bassist..yung isa pa naming friend nakuha naming bassist..naalala ko nga pala, sa pamilya namin...pinsan ko ang drummer, dad nya ang gitarista, mom ko pianist/guitarist dati. so napag isipan ko na bakit hindi ko subukan na tumugtog? since may mga musikero naman sa pamilya ko..kaming magkakatropa pumunta sa AC office para mag register, aba nga naman! may isang elec. guitar dun, amp, at drumset! nako hindi ko na alam yung brand nun, 5pc. kit sya na may hihat at crash...pagdating namin yung dalawang drummer dun tumutugtog ng "Paris" ng Chicosci...after nun parang naganahan akong tumugtog...i played, and i SUCKED!..nung mismong battle na, we SUCKED too! kami lang yung banda nun na 1st year hs...alala ko pa nun mga tsong, hiyang hiya kami, sa sobrang hiya pinatapos namin yung program bago umalis sa backstage...after nun, pinagplanuhan namin na matuto tumugtog (hindi talaga kami magaling as in! guitarist namin dati nabibilang lang yung natutugtog niya, 3-second lag pag magpapalit ng chord  :lol: ako naman, si mr.dug-dug-pak!)..para bang "we'll be back with a vengeance" ba?  :lol: doon na nagstart ang interest namin sa music, doon na rin nagstart ang lessons ko kay mr.harugrugrug! dito ko na rin pala nakuha ang drumkit ko (december of '05)..nauna ang lessons ko sa drums kaya napagdaan ko din ang mag air drums at pumalo sa sofa na parang baliw  :lol: dahil din dito, napili ako maging drummer sa pep squad, nung 4th year ako na yung nagbubuo ng tutugtugin namin para sa pep squad hehe..

iisang banda lang ang tinugtugan ko nung highschool, yun ay ang Press 2 Play...
laking tulong sa akin nun ah (friends, confidence, fame? di siguro!hindi malaki ulo ko excuse me! ) from a band that "sucked" to a band that "rocked"  :lol:
champion kami nung 3rd year tapos best drummer ako nun, nung CAT BOTB champion din kami, best bassist at best drummer ulit, 4th year BOTB second kami (nagkaaway-away kami eh..LONG STORY) at best drummer..

eto nako sa kinalalagyan ko, self-teaching, dakilang forumite, modern drummer mag collector, GAS drummer!

alam nyo..nagpapasalamat talaga kay lord dahil binigyan nya ako ng tapang nung mga oras na yon..na nagdulot sa akin ng matinding interes sa pagtugtog.

pasensya na mga tol...sinipag ako mag type!
« Last Edit: September 13, 2007, 05:28:18 AM by intake »
Laptop = $600
DSL = $30/month
Locked threads @ AGT sub forums = PRICELESS :D

Offline lil.drummerboy

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #52 on: September 13, 2007, 05:34:11 AM »
wow ganda naman ng story :) parang ganun din nung high skul ako :) hehe.

Offline SuperWeak!

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #53 on: September 13, 2007, 12:00:16 PM »


ako nung nakaraang taon lang mag wawaone year plang
guitarist bassist talaga ako tapos nagkajob ako
nagbabantay ako sa studio e sawa na ako sa dalawa wala namang magawa
nag drums ako tapos wala pa akong kagroovegrove sa katawan once pumunta yung tropa kong drummer nagpaturo ako natuto naman ako (agad) since nun bawat tropa kong drummer nagpaparturo ako 2 month later marunong na ako
magdrums  In bloom nga una kong na sepra na drums

hehe...

kaso sarado na yung studiong binabantayan ko

gusto ko pang gumaling late na ba ako??? 23 na ako pero kaya ko ng i sepra a perfect circle at muse sa tingin nyo????

hanibanch

  • Guest
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #54 on: September 13, 2007, 12:17:22 PM »
ahehhe. galing..

well.. aku naman po, parang aksidente yung pagiging drummer ko..
2nd year high school po aku nun e.. tapos aku po talaga yung guitars/vox ng binubuo naming band.. tapos wala kami makuhang drummer.. then pinakiusapan ko yung isa kong friend na kung pwede siyang mag-drums sa bubuuin naming banda.. ayun, kahit na di siya marunong pumayag siya.. after ng 3 jam sessions, sumuko siya and sabi, "hannah, paggitarahin mu nalang aku, nahihirapan aku mag-drums.." tapos sabi ko.. "ah ganun ba, aku nalang kaya ang magdrums.." ganun, and then nung next jam session aku na yung drummer. hehe.  :-P


Offline MEGaKewl

  • Regular Member
  • ***
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #55 on: September 13, 2007, 12:51:44 PM »
Aku na inspire aku ni WILLIE REVILLAME noong araw sa LOVELINESS. Nag r rap si Francis M sa Top 10 na sasayawin ni Alma Moreno. Hanga aku kay wowowilie dahil feel na feel nya ang groove nun. Ayun pumapalo na ku nun hanggang naki usap yung tatay ku na turuan aku mag drums ng ninong ko. Ayun natuto nako. nag ja jaming na kami ng kuya ko kasama namin matatanda. Mabigat din ang mga tugtugan namin kahit begginers lang kami bumabanat ng ventures ang ninong ko tsaka yung pretty woman fevorit nila. ang di ko makalimutan at hirap na hirap aku yung crazy little thing called love ng queen. I owe my talent to my ninong ernie. A true musician at heart. tugtak tugtak lang tinuro sakin. talagang kung hilig mo ang pag gawa ng beat matututo ka. after that pa battle battle lang sa mga school at barangay. naka loko aku ng isang baryo sa CAA las pinas nag best drummer aku dun. Mga razorback tugtugan namin sa battle C/O of our philmusic honorary member MIGUEL ORTIGAS. Idol ko talaga sial nun!
_____________________________________________<br I am MEGATRON!

Offline longfellow16

  • Netizen Level
  • **
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #56 on: September 13, 2007, 09:32:41 PM »
hmmmm...panu nga ba? ahhhh ok ganito...

i started playing drums end of my high school days in Don Bosco Tech. College.......(hahahaha sayang noh....ehh di sana mas matagal na ako naglalaro ngayun, sad), pero ever since, before high school even,  i had this sense of appriciation of music specially Rock and Roll... then for no reason at all, it hit me.....one day i said to myself..."Gusto ko maging drummer"...bakit ko gusto maging drummer? i really didn't have an explanation at that time. since then I've been playing informally drums with the drum kits of friends and rentals, palu lang ng palu kung saan saan ultimo ang drums sa arcade naging career ko,...nag reflect ako para malman ang dahilan bat ko nakahiligan ang drums...then it hit me, like a accent on a snare drum.

i just love the thrill of what this instrument brings about, all those times i fu**ed up patterns and grooves in practice and suddenly one day i got the feel and could play it easily. Drums really is the testament of hard work. you can't cheat on drums, you get good by hard work, thats one of the reasons i loved drumming, you see achievement...but ultimately its the love for the music...i love music.. and this instrument fulfills for me that love... :lol:
   
Then i decided to dedicate a portion of my life to drumming even though sometimes its frustrating. i tried YAMAHA for a while, but due to the inconvenience and the time constraints i decided to stop, but it didn't stop me from learning and playing.then on day a drummer friend of mine introduced a drum instructor to me, big guy with long hair at tattoos, he taught me to "UN-Frustrate" and taught me the essence of drumming, nga pala JIHAD pala ako hahahahaha kilala niyo na yung instructor ko  :-D.

Drumming for me is one of my passions in life that i want to pursuit and to further enhance,...i may not be the greatest drummer alive as of now but lets see what hard work and dedication does. kaya ngyon, still striving to be the best i could be...Peace out  :-D

(sana ganito din ako magsulat sa school work hahahahahaha)

"Patience is a Virtue" "Practice makes Perfect" "Frustration means Challenge"
(The 3 quotes that would make you a great musician)

Offline rexdrummer

  • Senior Member
  • ***
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #57 on: September 14, 2007, 12:42:09 AM »
I started to learn guitar first, gaya ng iba.

Pero nagsimula ako noong grade 4...kasi yung crush ko na girl may gusto sa isang drummer na High school. So ginawa ko sumali ako bilang drummer ng Rondalla. Kaso wa epek...di pa rin napansin he he he.

Saka dahil ang tatay ko taga Kalibo Aklan, mga pinsan ko member ng Ati-Atihan sumasali ako kapag piyesta.

Noong pumanaw si ama (w/ "Maalaala Mo Kaya" theme) noong 3rd year HS ako, part ng retirement nya ay ibinili ako ni inay ng aking first Drumset. Ang tatak ay Musicmate at binili ko ito sa Harrison Plaza. After that nag enrolle ako sa Yamaha...North edsa under Sir Marvin M. Doon ako natuto magbasa ng notes.

Unti unti hindi ako aware na pini prepare na pala ako ni Lord maging Church Drummer.
I belong to the Lord's Drumline!

My kit : 9pc Pearl export (Jet Black) Cymbals: Sabian paragon and vault Hardware: Pearl Icon & Elim. double peds.  Pearl Reference series (Granite Sparkle)

Offline bhenard

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #58 on: September 14, 2007, 08:13:28 AM »
before drummer ako,medyo kinati ung kamay ko kasi bago ako mging drummer keyboard hilig ko...napabalik lng ako sa drums nung mawala drummer nmin!!!!

napuwersa akong mag-aral uli ng drums kasi ayaw nmin kumuha ng ibang members baka may attitude problem
Roland,...Korg,...or Yamaha?
Need Digital Pianos/Organs/Keyboards?..0949-8708-620
Yamaha S90es,Kawai KS1 acoustic piano. Yamaha Baby grand.Roland FA06 Synth. Yamaha CVP-307 digital piano.Yamaha KA20 kbord amp.Roland HD-1 v-drums lite

Offline cavsdieagram

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #59 on: September 14, 2007, 09:19:28 AM »
wahah!!! ako naman inggitero!!! :evil:
ayokong malamangan ng cousin ko. nagdrums sya
so nagdrums din ako...mga grade2 ako nun...
pero di serious ung drumming ko nun. late high school na nagseryoso :cry:
sayang nga eh! may PHILMUSIC naba nun? ahehe
eh di dapat mga bata pa lang tau lahat eh drum talk na agad...ahaha :lol:
CHEERS!!! Happy drumming sa nyong lahat...Nice thread :-D
"Drums ay buhay" -bord

Offline Bammbamm

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #60 on: September 14, 2007, 01:10:34 PM »
Well before i was a dancer  :oops:

pero dahil ang dancing relates to rhythms, beats, measures, body movement, timing and foot work.. i realized during my college days that its not enough for me to express yung enthusiasm ko sa mga beats. Then pinwersa ako ng dept. head namin to join the cheering competition, since freshmen ako wala ako magawa kundi sumali  :-D.. luckily the department rented a drumset to be used sa Cheering Piece namin and yung klasmeyt ko yung drummer.. so i started asking HOW to play.. then i asked him WHY do u play? but since i'm a student i can't afford a drumset, and my parents was against it.. so i applied for a job, then nag ipon to buy a drumset.. Now, i'm proud to say that i'm a drummer by heart and by actions.. drumming has been my outlet, expression and dun din nalabas yung emotions ko, which i used to make music.. salamat sa pagging dancer ko, naging madali ang pag acquire ko ng mga basic beats w/c i already improved.. hehehe  :mrgreen:

Hahahaha! Ayos 'to ah, dancer.  :-D

Breakdancer naman ako nung 12 years old ako. Malaking influence sa pagtugtog ko ang pagsasayaw, kahit hanggang ngayon, binabase ko sa emotion ang pagtugtog - parang sumasayaw lang ako sa himig ng bass at electric guitar habang pumapalo, at mahilig pa din ako humataw sa disco!  :wink:  :lol:

Agree ako sa mga sinabi mo, bro.   :-)
So Be It.

Offline lil.drummerboy

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #61 on: September 15, 2007, 02:25:13 AM »
dami palang drummer na mga dating dancer :lol:

Offline never_1007

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #62 on: October 03, 2007, 02:03:44 AM »

actually, the atitihan  & the gallon stuff, dun me nagsimula.. pero first, observer lang me sa mga kapitbahay ko na may banda.. sit in lang me, tapos nainlove aku s beat ng drums.. kasi para sken, sya ung buhay ng banda, parang ung puso ng tao, sya pinaka beat sa tunog. then, ung drummer tinuruan me, tapos natuwa sa ken kasi getz ko agad ung tinuro nya kahit na nahirapan me ng sobra, mga nirvana pa uso tsaka mga pinoy rocks.. highskul kasi me nun eh.. tapos un tuloy - tuloy na, kaso na frustrate lang me nung magkaron n me ng banda, lage aku sabet.. hehe.. pero ganun talaga eh.. kasi mas marame kang error na nakokomit mas natututo ka, what do's and dont's.. tsaka plus factor din ung marunong kang maggitara para sa timing..

salamat po ng madame..
i asked her before if she likes me and she answered "yes,as a friend."

Offline Elyenman

  • Netizen Level
  • **
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #63 on: October 03, 2007, 10:21:10 PM »
1999 was the year of my "calling" with "the beat"..  :-D

grade four ako nun that time at naligaw ako sa bandroom ng Claret marching band, hayun, napasali ako ng 'di man lang alam kung bakit, at dun na nagsimula lahat.

I became a quartermaster for the corps and the section leader for the drumline noong HS.. then noong 2nd year, naglessons ako sa baguio para matutong gumamit ng kit (kasi ang meron lang ako that time ay chops sa snare at sa quadtoms).

Hindi ko sineryoso 'yung playing ko sa kit until sa pangalawang lessons ko sa Yamaha, after that, my parents bought me my very own set, a black M-2000 fernando, 'yung older model (which I later customized using whatever pocketmoney i saved along the years).

and the rest as they say is history..  :-D

bale, almost 8 years of drumming
5 years with my drum corps and 3 within the kit..


well, thats my story. I do hope my relationship with "the beat" is a loooong and prosperous one, haha. Say, a lifetime perhaps.  :lol:
..........................  :)

Offline caster_tROY

  • Senior Member
  • ***
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #64 on: October 04, 2007, 09:50:55 AM »
dami palang drummer na mga dating dancer :lol:

dame ba? hehe cguro nainspire sila pag nakakakita ng mga banda na tumutugtog tapos malamang  pag showy ung drummer at ok pumalo dame napapatingin...sikat...hehe one of the benefits of being a drummer..hehehe
get a new brain\'

Offline alvin_11

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #65 on: October 04, 2007, 10:15:54 AM »
1st year hayskul pa lang, gusto ko na magdrums. i got so attracted sa drummer ng Bamboo kasi sobrang bilis nya.(wala pa po akong masyadong alam sa drums noon. kay yun lang ng alam ko.. :wink:) so yun..2nd year na ako nakasimula..akala ng ermat ko, ipagyayabang ko lng sa mga classmates ko na may drumkit ako sa bahay (which is not!). i totally sucked that time..akala ko yung snare nun yung floor tom(yah..i sucked alright!) then hanggang tinuruan. ayun...(yung lumang m-2000 pa yun ang gmit ko) hanggng binili na ako ng entry level pero decent naman.. :-D
alvin.

Offline omitot

  • Netizen Level
  • **
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #66 on: October 04, 2007, 08:51:21 PM »
nagsimula ako sa guitar,id tap the guitar pag upbeat ung song,then nagustuhan ko na ung drums,hahaha :lol:
astig mga drummers!! :-D
"Show me the money!"

Offline RazeLJoeY

  • Senior Member
  • ***
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #67 on: October 05, 2007, 10:45:57 AM »
For me it all started last year..in a wake of my suicidal friend..a common friend of Razel and Me..

hehe..drummer kasi un..eh ako tumigil na mag drums 4years ago pa..hehe..mga 3months basic drums lang alam ko nun tapos tigil na..

si Razel kasi guitarista e..tapos nung burol nga nung tropa namin kami nagkakilala..nag gita-gitara lang si Razel tapos ako naman naghampas-hampas lang..hehe..dun ako nag start mag drums ulit tapos dun din nag start ang "love story" naming dalawa..=)  :-D

hehe..then napadalas ang jam at pagkikita namin..tapos start na kaming mangarap together and started composing songs..ngayong tapos at graduate na ko focus na ko sa mga drum gear ko and sa music life namin ni Razel..hehe..pati magulang ko suportado ang bisyo ko sa paghampas..hehe..

yun lang..saya no.. :mrgreen:

Offline Akira JUMBO

  • good vibrations
  • Moderator
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #68 on: October 05, 2007, 10:50:01 AM »
@Joey

Hindi ko alam kung drum story to or love story eh.. :-D

Nice one anyway! hehe..
DRUM.ROOM drum items for sale click here

Offline peeves24

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #69 on: October 05, 2007, 11:02:40 AM »
first love ko drums, ibinili ako nung sto. nino snare drum nung 4 or 5 ata ako. for those of you who dont know, sto.nino yung gamit dati ng mga ati-atihan na kulay red yung shell tapos nylon na pang sampayan yung snare wire. na inspire ako sa mga marching bands sa min but i really wanted a drum kit that time. i dont remember what happened to that drum but i was forced to take piano lessons then. tapos first year high school guitars naman at turntables. 3rd high school ako ulit nahilig mag drums dahil gusto tugtugin ng mga classmates ko yung line to heaven at ako nagvolunteer mag drums (wala ako alam sa palo) nagkaron lang ako ng decent beat nung tinutugtog na namin yung orient pearl song 'pagsubok' muhahaha manghang mangha pa ko sa basket case ng green day dahil ang bilis ng mga fills. tre cool was first drum hero!

on my 18th birthday, i bought my first kit at naglesson sa rj galleria...9 years later at walang improvement  :x

Offline makLoy

  • Veteran Member
  • ****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #70 on: October 06, 2007, 04:41:12 PM »
ako?? ang natatandaan ko Lang eh nung bata pa ako, mahiLig ako manood ng TV mag-isa, ewan kung anong channel yun. basta may mga music video, di pa ako nun nag-aaraL ng eLementary, tapos pukpok na ako ng pukpok nun sa mesa (yun sabi ng nanay ko nun)..

1st year highschooL ako unang naka-upo sa harap ng drums, di ko aLam na marunong paLa ako taLaga mag-drums, kaLa ko sa mesa Lang ako marunong pumok-pok..... hehehehe... untiL now, di ko pa rin taLaga aLam kung bakit ako naging drummer...   :lol:

On the time of superstition man created God.. On the time of greed man created War.. -makLoy-

Offline jacobus

  • Senior Member
  • ***
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #71 on: October 07, 2007, 10:48:09 AM »
just one day i woke up wanting to play drums and my friend wanting to play guitars. so we started learning and till now i still play drums and he still play the guitars for different bands
FOR GOD, FOR COUNTRY, FOR DeMOLAY

Offline 9_spiral

  • Forum Fanatic
  • ****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #72 on: October 08, 2007, 11:03:20 PM »
dati vocalist talaga ako..nung hs pa...eh nung nagcollege nawalan na ng time ung drummer namin sa band...matagal kaming naging stagnant water...binahayan na nga ng lamok eh...may mga pasession-session na mga drummer pero hindi sila nagtagal dahil sa location nila malayo masyado sa ming magbabanda...eh dati pa naman pumapalo-palo na rin ako nung pagpasok ko sa college, drumsticks lng meron ako walang kit. Hanggang nagseryoso na lang ako sa pagpapalo at bumili na ng kit at gears unti-unti. Sinubukan ko pa rin magvocals sa banda habang pumapalo pero mahirap din pala lalo na pag maraming fill-ins chaka groovings, mga rudiments, nawawala na ako sa kinakanta ko. Hehe :-D

Offline jeff_proX40

  • Veteran Member
  • ****
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #73 on: October 09, 2007, 02:46:02 AM »
I remember the days when I was still seven. my mom brought me to the church center to have me choose which musical instrument to play (which I dont like during those times). hahaha Then I chose bass but there was no available bassist to teach me. So the only person that is available was the drummer. He tought me how to do the basic grove on that same day and I hate it (coz I miss my playmates at home playing "tumbang preso"). I tried doing the basic single strock 16 beat on snare then was adicted to it. Then bought my first sticks after 3 days and practiced every day single stroke, double stroke and other hand practices. Now I'm 22 years old and I still clearly remember those days. I play Acid jazz and funk today and it always boils down to where you started.
Just let your music fill the empty spaces in you. It's all you have so take advantage of it. It's a gift!

Offline niNgpo

  • Senior Member
  • ***
Re: pano ka naging drummer?
« Reply #74 on: October 10, 2007, 03:42:14 PM »
eto sakin..
i think 2nd year high school ako when i first listen to harcore music.. (hatebreed,vison of disorders etc.) naisip ko baaa ok to ah.. pinapakinggan ko mga drums nila.. sh*t magagaling kasi mga nag double peds sila.. then fourt year nahilig na ako talaga sa mga banda.. when i graduated and go to college, i asked my mom to buy me drumset sabi ko pa Birthday nila sakin.. sabi nila wait lang daw..

hanggang ung pag iintay ko umabot ng next birthday ko(1 year mahigit)

edi ang tagal.. ayun nood nood nalang ng mga gigs ng tropa ko.. nakatitig sa drummer..

nung nag second college na ako @ FEU.. inipon ko na talaga ang allowance ko para lang makabili ako drumset.. ayon nakaipon naman ako pero medjo kulang kaya nagpadagdag na lang ako sa nanay ko..

sarap!!!.. palo dito .. palo dun..

one time sa sobrang kadikan sa drums, pumunta Brgy.Chairman... maingay dw kasi.. nakakaistorbo..

nakakabadtrip di tuloy ako makapagdrums ng maayos.. kaya i decided na iuwi ko na lang drumset ko sa province (Batangas).. ayun dun lang.. pag umuuwi ako saka ko nagagamit kit ko.. ehehehehe..

pero nagkaroon na din me ng banda dito sa manila.. then nagaral me ng double pedals.. self study lang talaga.. sa mga studio tuwing nag praktis lang banda nakakapag drums and double peds.. pero nakuha ko kagad..

ayun ratratan na ung 2g2ggan namin ngayon.. death metal..

ganda ng topic na to..
salamat sa thread..

wahaha korek ka diyan kapatid!!! naku talaga nakakainis pag me pipigil  sayu magdrumset.. lalo na kapit bahay!!