hulika

Author Topic: May konting sablay ang improvised bass pad  (Read 1549 times)

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
May konting sablay ang improvised bass pad
« on: April 24, 2007, 07:42:12 PM »
Oo, medyo relentless ako sa pag-practice ng doublepeds ngayon hehehe.

Sa kasamaang palad, lumuwag yung parang hammered na pin sa may dulo ng connecting rod ng pedals ko (slave side). Na-rehammer ko uli yung pin pabalik sa original position niya, pero nag-aalala ako kasi baka may iba pang mga damage na lalabas sa pedals.

Hindi kaya dahil sa practice pad ang dahilan? Kasi alam ko medyo mabigat ang paa ko pag naglalaro sa pedal, pero hindi pa ako naka-encounter ng kahit ano'ng sira mula noong nakuha ko tong pedal. Ngayong week lang, na parang 2 hours per day ang practice hehe.

Yung practice pad ko kasi, scrap iron na welded, tapos sinalpakan ng foam, yung tipong pang-unan na foam, para maging pad. Ngayon medyo compressed na yung foam, pero sa tingin ko e pareho pa rin naman ang feel nito sa isang rubber na pad.

Ano kaya pwede ko gawin?  :?
« Last Edit: April 25, 2007, 03:34:30 AM by Gep »

Offline Chopstix

  • Senior Member
  • ***
Re: May konting sablay ang improvised bass pad
« Reply #1 on: April 24, 2007, 10:47:52 PM »
pedal
- punta ka sa site ng tama, meron silang pdf file ng mga spare parts ng pedals. kung sakali mang may sira, pwede ka maka order nung mga piyesa.

practice pad
- kung compressed na yung foam, subukan mo palitan o patungan ng mouse pad. o kaya yung goma na parang ginagamit na mat sa auto.
« Last Edit: April 24, 2007, 10:50:10 PM by Chopstix »

Offline Gep

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Re: May konting sablay ang improvised bass pad
« Reply #2 on: April 25, 2007, 03:39:38 AM »
Hindi pala knob, pin pala siya hehe.

Anyway, naayos ko na yung pin, na-hammer ko na pabalik, at smooth pa rin ang pedal ko.

Masyadong spongy yung goma ng mouse pad at sa mat e. Kailangan ko ng mas compact na rubber, parang sa practice pad. O di kaya, tulad ng suggestion ni jeva, goma na pang-gulong, kaso di ko alam kung saan makakabili non. Kasi naman, ba't wala ako pera pambili ng BD-10 e. Hehe...

Kung gugustuhin ko lang e makakakuha ako ng credit card o maglo-loan ako, kasi yun naman ang negosyo ko e... Pero hindi! Customer muna bago ang sarili! Medyo ok na ang kita sa negosyo pero hindi ko dapat gastusin haha.

Ok, off-topic na ako.  :-D

Salamat sa suggestion!