LOUDNESS!!!! hehe..IMHO, nakukuha ng j-rock / jpop ang kiliti ng mga anime viewers dahil sa simple at catchy melodies nila. madaling maretain sa utak. dun sila magaling, sa creativity at arrangement ng mga kanta. pero iba na yung mainstream ngayon sa jrock, nakakainis na. masyadong western na ang dating, maka emo/death/nu metal na. parang gusto na lang maging rockstars, wala namang talent.
i enjoy classic jpop/jrock tunes. b'z, mr. children, do as infinity, larc, bonnie pink, utada hikaru are my favorites. hindi man sila ganun ka technical when it comes to playing, at least may blues licks man lang at maganda naman yung arrangement ng mga kanta. hindi tulad ngayon na kung hindi pasikatan, pabilisan naman at pabigatan.
marami ring magaling na japanese musicians. anjan nga yung loudness, x- japan, t-square, casiopea, at yung mga session musicians nila. imho ulit, kahit hindi ko masyadong naiintindihan yung lyrics (may mga translation naman sa web), mas pipiliin ko pa ring makinig sa kanila kaysa sa mga pinoy artists na walang ginawa kundi manggaya at magrevive ng kanta. wala nang O sa opm ngayon. makikinig na lang ako sa mga nabanggit kong mga artists, kasi yung mainstream nga ngayon sa japan e western masyado ang dating.
tak matsumoto = japanese evh (wannabe) hehe...b'z rocks!