ewan ko lang kung may thread nang gan'to, sorry nalang kung na-doble ko pa.

anyways, may banda ako sa school namin, lapit na battle of the bands samin (sa july 31 na) at kelangan namin ng magandang band name. yung talagang unique, at patok na patok sa lahat.

tinutugtog namin sa ngayon mga opm (usually Itchyworms at Eraserheads covers). pero baka tumugtog kami ng mga metal or punk pag tumagal (since punk at metal influenced halos kaming lahat sa banda namin).
