meron p kaming sound system usually gamit sa band, may question is paano po ba ang tamang paggamit ng compressor limiter?
Maraming puwedeng paggamitan ang compressor. Madalas siyang gamitin sa isang individual track or signal, kagaya ng kick drum, snare drum, o vocal signal, pero puwede rin gumamit nito sa isang stereo buss (or mix). Ang silbi nito ay para mapantay ang overall volume level ng isang signal upang maging mas consistent ang volume, pero kung minsan, ginagamit din ito para maging mas "explosive" ang drum sounds. Maaring gamitin ang isang compressor sa inserts ng isang mixer, para sa individual tracks, puwede rin siya sa fx loop ng mixer (pero di ito common practice), at puede rin siya ilagay sa stereo bus ng mixer.
behringer pro xl ang model na nandun sa set-up namin...... di ko po ma utilize masyado kc di ko rin masyado maintindihan yung expalnation sa manual at nawala na rin yung manual....
Download ka ng manual sa Behringer.com
like 1. after or before EQ ba ang palacement ?
Mas madalas gamitin ang compressor AFTER EQ dahil pag nilagay mo siya before EQ, malaki ang posibilidad na mag-PEAK ulit ang signal pagkatapos ma-compress ng compressor. Pero hindi ito general rule.
2. bakit pati reverb at minsn yung mga dulo ng tunog naka-cut nya?
Malamang ginagamit mo ang compressor bilang isang NOISE GATE. Halimbawa, pag may signal ka na may reverb, nala-cut niya yung reverb tails ng signal depende kung gaano kataas ang threshold ng gate.
3. what is threshold, expander/gate, de-esser, dynacmic enhancer?
Threshold - ito ang volume level kung saan nag-uumpisang mag compress or mag-expand ang isang signal, depended kung ano ang setting na ginawa mo.
Expander - Kapag ginawa mong expander ang setting ng compressor, lahat ng signals na lumalampas sa threshold ay lumalakas depende sa ratio na ginawa mo. Halimbawa, kung ang threshold mo ay -9dB, at ito ay naka-set sa EXPANDER mode, at kung ginawa mong 1:3 ang ratio, lahat ng signals na beyond -9dB ay magiging mas malakas 3x ng original na signal.
Gate - ito ay opposite ng expander; halimbawa meron kang threshold na -15dB, ibig sabihin, lahat ng signals below -15dB ay maka-cut.
De-esser - ginagamit ito sa pamamagitan ng pagcompress ng isang narrow bandwidth (around 6kHZ-9KHz) para mabawasan ang kalansing ng isang signal.
Dynamic expander - eto ang ginagawa ng compressor kung siya ay naka-set bilang EXPANDER.
$. pano talaga ito makakatulong na hindi maaapektuhan ang quality ng sound? thank you......
Ang compressor ay nakakapag-paiba talaga ng tunog, gaya ng lahat ng signal processor. Pero ang pinakamagandang settings ng compression ay depende sa tunog na hanap mo.
Maganda kung magbasa ka ng konti tungkol sa ADSR para malaman mo kung paano gumagana ang comps.