So..
Yun nga, nakita co yung guitar na gusto co. The usual ebayer that I am, I asked the seller kung nagsi-ship sila dito. Hindi nga daw. Then by that time, naghahanap na co ng mga pwedeng pakipadalhan, nakatira sa tate, o kaya mga shipping services. Ang common naman ay UPS / USPS / Fedex. Pero duduguin ka sa mahal ng shipping cost + taxes. So hanap pa rin, yun nga nakita co yung Manila Forwarders. Bale dun sa site nila nakalagay na may YM account sila so inadd co, nagchat kami, asked questions regarding shipping.
Ang intro co sa kanila, na meron acong item na gusto cong iuwi dito kaya lang yung pagbibilhan co hindi pupuwede. So ang sabi agad nila sa ken oo nga daw pupuwedeng sabihin co sa seller na sa address nila ipadala, then sila ang magpapadala sa akin dito sa Pinas. Talagang klinaro co pang:
"Pag dinala ba dito yan, mismong sa doorstep co yan darating? Hindi co pipick-up-in sa mga customs / office nyo etc.?"
Sabi oo daw. So nanigurado na co na "Baka naman pag gano'n ay may extrang charge dahil home delivery?"
Wala daw. Bale ang quote ng item co ay $45 yata kasi Ocean Cargo ang pinili co (can be seen at their website). And believe me, as in $45 lang talaga ang ginastos co! Paypal ang binayad co kaya swabe ang transaction. Bale ang total cost co:
$$ ng guitar + $45 shipping cost.
No hidden fees, no taxes, no bullsh!t. Talagang wow, nakarating ng safe yung gitara co nang walang aberya.