Dalawang beses ako maligo araw-araw, pero ganito procedure ko;
Sa pagligo sa gabi- Matapos sabunin ang buong katawan (puwera mukha), mag kukuskos ng lava carra o loofah sa buong katawan (meron ding nabibiling synthetic fibers na panghilod sa mga drugstores, saka sponge para sa mukha) para matanggal ang mga libag o dead skin cells.
Huwag kalimutang hiludin ang mga paa at talampakan para hindi madevelop ang kalyo- lalo na yung sa bandang gilid ng sakong at yung magkabilang dulong daliri sa paa at mga singit-singit ng mga kuko. Magbanlaw pagkatapos. Maganda kung may upuan ka sa banyo, mahirap kasi gawin 'to eh- matrabaho!
Mag shampoo ng ayon sa tipo ng buhok. In my case, mild shampoo lang..
iskinheyds kasi ako eh, hehehe.. Sabunin ng facial soap ang mukha, batok, tenga at leeg. Marahang kuskusin ng sponge o face towel. Banlawan ng mabuti at magpatuyo ng katawan sa pamamagitan ng marahang pagdampi ng tuwalya sa katawan....-parang yung mga nasa kumersyal ng mga sabon sa tv,..hehehe!
Mag dental floss bago mag toothbrush. Sepilyuhin pati ang dila hanggang sa dulo malapit sa lalamunan hanggang masuka-suka ka na, hehehe..medyo maluluha ka dito -malamang!..

...magmumog pagkatapos at magpunas ng bibig.
Magsuot ng malinis na damit na pantulog.
Maglinis ng tenga sa pamamagitan ng cotton buds.
Optional: Maglagay ng pampa poging panlinis ng mukha, batok at tenga -kahit hindi pumopogi- sige lang, basta may pambili, hehehe!

Mag lotion, moisturizer, etc.
Humarap sa salamin at sabihing
.."Guwapo ka,..pero sikret lang nating dalawa yan ha".. tapos matulog ng nakangiti.

Sa umaga- pagkatapos jumebs, mag shower katulad ng ginagawa sa gabi pero minus kuskos -parang pampa gising lang..magsepilyo, mag shave, mag lotion/sunscreen (optional) magpabango/deodorant, magbihis ng malinis na damit...tapos tambay na!...Ayus!
.png)