Pinakinggan ko yung "Greatest View" at "Stay", nag-DL ako pareho para lang makompara. Eto ang aking observation:
1. Saying Cueshe ripped-off Silverchair is an OVERstatement. The mood of the both songs are totally different. Except nung dumating na yung chorus, doon sila naging magkatunog. Dito sila magkatunog:
Cueshe: "And If you go... I'll understand..."
Silverchair:"I'm watching you... watch over me..." (hindi sa "...and i've got, the greatest view from here..." tulad ng sinasabi dito)
2. Sa pandinig ko, mas rip-off yung " Pinoy Ako" (Orange and Lemons) ng "Chandeliers" (The Care) kumpara dito. Eto talaga, pati intro, stanza, pati palo ng drums.. ugh...
3. Meron din akong napansin na magkatunog na mga foreign songs, isa sa naiisip ko ngayon ay yung kanta ng U2 "Stay" ewan ko kung narinig nyo yon, pero may part don na nagha-hum si Bono na parang katunog ng intro ng "My Cherie Amor" ni Stevie Wonder hehe... Pero bat parang di umaangal yung mga tao na ni-rip-off ng U2 si Stevie Wonder.
4. Nagtataka lang din ako bakit parang madaming galit sa Cueshe. Para bang April Boys ang dating nila hehe. Matagal na kasi ako sa labas ng bansa kaya di ako updated sa local music scene< unlike nung 90's, kaya dito ko na lang sa Philmusic nalalaman yung mga sikat na banda sa kasalukuyan.