Question, how come these Nikon DSLR's aren't popular: D50, D70 & D80? Hindi ito ino-honor ng Columbia? How come they're not as popular as the D40, D60 & D90? I am intrigued with these DSLR's.
I think hindi naman sa hindi popular.. nagkaron lang siguro agad ng variant ang mga yan na mas improved or nababranded sya as "same" sa successor nya or the yung mas bago ang sumikat agad..
-- yung nikon D50 eh ang pinakaunang "entry level" ng Nikon na nirelease nila nung 1st quarter of 2005.. at ito lang ang bukod-tanging entry level DSLR na may "inbody autofocus motor" unlike yung mga sumunod na generations ng entry level eh wala na..
-- pinalitan ng Nikon D40 ang Nikon D50 after one year at yung Nikon D40 ang nag "click" sa consumers dahil sa dali gamitin at "lightweight" pero same megapixels lang sila (around 6.1MP), although nagrelease agad ng 12MP variant ang Nikon para sa D40 with is the D40x eh hindi masyado naging maganda ang reception sa D40x (kaya pinalitan agad ng Nikon D60) unlike sa original Nikon D40 na tumagal ng 2 and half years sa market bago napalitan ng napakawalang kwentang Nikon D3000
-- yung nikon D70 naman eh pinakaunang midrange DSLR nila na pinalitan din agad ng nikon D70s na may mas malaking LCD screen at bagong battery type.. if I can recall mas naging maganda ang reception sa D70s kesa sa original D70.
-- yung Nikon D80 naman eh ang successor ng D70s at gaya ng comparison sa Nikon D90 at Nikon D5000 eh halos parehas lang "daw" ng Nikon D40 yung Nikon D80 at wala daw halos ibang pinagkaiba aside sa additional controls.. kaya siguro di gaano sumikat (though sa tingin ko sumikat din naman) eh masyado kasing mahal noon ang D80.. kaya sa D40 lahat napunta ang attention.
-- ngayon kasi competitive na ang prices ng variants ng nikon like yung same-sensor D5000 at D90 eh naiihiwalay mo yung pagkakaiba nila unlike sa mga variants dati na manghihinayang ka bilhin yung higher model kung meron namang mas mura na halos kaparehas nya..