naghahanap ako ng murang silhouette type na frame, cant afford ako nung orig brand nun eh, nakita ko kasi sa suki ko na vivian sarabia na pang mayaman price niya at hindi siya pwede sa dukhang tulad ko. meron ba dun sa sinasabi mo na shop yung silhouette type na frame? pakipost na lang name at address nung shop ng mabisita ko. yung silhouette yung frame na parang wala kang salamin talagang suot, napakanipis niya at transparent. tapos walang frame yung lens, ang nagdidikit sa lens eh yung pumapatong sa ilong na rubber, yun lang at yung parang legs niya na ikinakabit sa tenga.
Nakakita na ko ng ganyan. Hindi ko nga lang sure sir kung meron sila dun na ganyan sa optical ko. Pero try mo mag-shop around sa Paterno St. kasi tabi-tabi sila dun kaya competitive ang pricing ng bawat store. OK sa akin ang quality ng gawa. Pero canvass mo sir baka iba standards mo!hehe... Yung sa Optical ko eto address:
STANDARD OPTICAL
648 P PATERNO ST, QUIAPO,, Manila
Kapag nakita mo na yung Optique Prima, 2 stores after nun yun na yung STANDARD OPTICAL. Chinese may ari nun.