hulika

Author Topic: Tonal Tuning by Bob Gatzen  (Read 872 times)

Offline daemonite

  • Philmusicus Addictus
  • *****
Tonal Tuning by Bob Gatzen
« on: April 14, 2008, 12:30:55 PM »
sir anthony paki-merge na lang ito kung may kapareha na....

I decided to create this thread for those na nahihirapan sa pag-tune ng kit nila. Hindi ko naman sinasabi na eto dapat yung standard, pero this is one of the ways you can tune your kit. Always listen to your kit. May definite na tunog yan. Okay, to explain, according to Bob Gatzen....

Tonal Tuning is tuning your kit to a certain scale. Meaning, parang nagtotono ka rin ng gitara or bass. Napansin ko lang ito sa recording na mas mainam dahil kakapit mabuti ang tunog mo sa ibang kabanda mo like a glove. For example, Nasa D ang scale mo, i-tono mo sa D ang snare mo, G yung Floor Tom, Octave ng G yung 13" etc., etc. You need the help of your keyboardist with this. Pero kung wala, kung may keyboard sa studio na pinagrecordan mo, makigamit ka na lang, and kung home recording ang banat mo, hiram ka na lang for the meantime. Tonal Tuning really is a great help. Scales na pwede niyo gamitin: Minor 3rd, Major 3rd, Perfect 4th tsaka Perfect 5th tsaka Octaves....

Eto links....
http://www.youtube.com/bobgatzen
Andyan na lahat, wag niyo na ipaisa-isa. Basahin niyo na lang.

Eto example na binigay sa akin ni Bob Gatzen nung tinanong ko yung each note sa standard tuning nya....

8" - G octave
10" - D octave
12" - A
13" - G
14" - D
16" - C
Snare - 14" A

Hope i got it right hehehe....Nakaflat kasi sya dun sa sinend sa akin....yung iba kinuha ko na sa tonal tuning video nya....

I hope this would be a great help to our community  :-D
« Last Edit: April 15, 2008, 12:32:23 PM by daemonite »


Drummer / Keyboardist
PrimeApes / Chuckoy Vicuņa Combo
https://soundcloud.com/daemon-keys