Hmm, I guess di naman galit, naging fad na lang yung ganitong pagtingin sa kanila dahil sa tendency ng ibang manghiram ng point of view ng ibang tao as if they're own.
Siguro like what some people say in this thread, meron lang sigurong dapat maimprove na talaga namang medyo kapansin pansin nga sa mga sumusunod na banda. Tandaan, gusto sila ng karamihan ng masa pero karamihan naman ng may ganitong damdamin ay mga kapwa din nila musiko at liriko. So maganda mapakita kung ano ang mga dapat baguhin para hindi masyado maging kapansin-pansin. May mga itsura din naman karamihan sa mga miyembro ng eraserheads, rivermaya, at iba pa pero hindi sila tinawag na pogi or ganda band. Siguro nasa pagdadala na rin. Minsan kasi obvious na yung itsura lang pinagbasehan para isama sa banda.
Ilang nakikita ko na magandang maimprove:
_Bigyan ng ibang ginagawa yung isang vocalist ng Cueshe maliban sa pag-back up vocals. Halimbawa, puwede siyang magtambourine or ibang percs. Parang kakaiba lang talaga kasi na may nakikita ka pa isa sa stage na hindi naman masyado kumakanta. Nakakailang tingnan. Puwera lang kung magpapalit sila ng tugtugan mala Earth Wind and Fire puwede siguro.
_Yung vocalist ng spongecola hmm, medyo parang pinipilit niya magpakahusky ng boses eh mukhang maganda naman yung boses niya na natural. Sa pagpipilit na maging ganito, medyo parang nagtatrying-hard na magpakarock tapos may tendency na mag sharp at flat ang boses niya, considering na recorded pa yun at iba pang usapan ang live. In fairness lyrically, isa mga songs nila sa pinakapoetic sa industriya. GUsto ko yung recent nila na di mababawi something, yung acoustic. Ganung boses ang sa tingin ko mas bagay at hindi pilit.
_Sa 6 cycle mind, hmmm... medyo OA minsan yung mga antics nila sa stage or baka naman hindi lang ako sanay. Minsan kasi pag yung sumisigaw sila sa mga tao para magparticipate medyo maangas yun dating. Or baka naman di sila ganun at namimisunderstood ko lang. Hmm, anyway magaling na banda rin.
Hindi naman masama maging pogi, 'wag lang yun ang dahilan kung bakit ka sisikat kasi maraming masasaktan bwahahaha
![grin :-D](http://talk.philmusic.com/Smileys/default/big_smile.png)