paanong style? kung taos sa puso tapos mala slipknot, slayer, pantera dating....with headbangan mga members, hindi mo na makita yung kahinhinan sa pagsamba... ewan ko kung yang ganyan ng klase ng tugtugan eh maayos pa tignan para sayo....
kaya nga nagkumpara ako eh para madaling timbangin... naging sapat ba yung pagiging taos sa puso ni CAIN nung dalawa sila ni abel nag-handog sa Dios?... di mo nga mitutumbas manlang yung taos puso lang VS yung ginawa ni kain na taos puso din, with matching nagpakapagod pa sya para lang may maihanda sa paghahandog... ngayon may intances ba na ginawa na ng taos sa puso ng tao, with feeling with hardship... pero di parin tinatanggap ng Dios?... ewan ko lang kung napapansin nyo comparison ko...
nomobile=1 ano ba palagay mo dito?
gusto mo idamay ko na pati eto... para basagin ko narin yung paniniwala ng iba na hindi longHair si Kristo...
I Corinto11:14
Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?
ngayon kung ang ikakatwiran ng iba wala rin buhok at wala sa tugtugin yan... aba siguro maghihiwalay na tayo ng paniniwala... ang alam ko kasi yung mga tagubilin at mga palatuntununan na tinuro ni Kristo yun ang dapat manatili at sundin hanggang sa huli eh... (diko na siguro pakikinggan yung common terms ng iba na "ok lang siguro", "wala naman siguro masama"...etc... mga nag kukusa at nagsasariling palagay) sa bagay mag kakaiba naman tayo ng faith... diko kayo hinahadlangan sa gusto nyo kasi magka-iba nga tayo ng paniniwala...
eh ang sakin paalala lang hindi pamimilit.... di naman ako nag popromote ng religion dito... andito tayo para mag share ng ideas na pwedeng mapag-isip isipan.. at hindi rin ako againts sa lahat ng Christian Rock..wala rin akong sinabi na ayaw ko sa mga bago.... binigay ko na siguro yung specific genre na gusto kong patamaan... saka isa pa pala di ibig sabihin na nag rereply ako sayo bro eh nakikipag away ako ha... usapang may sense lang po tayo sana...
You are basically lost about Cain. If you read the Bible again, he does not have a pure heart. In fact, God is not pleased with his offerings. He envies Abel. Pano mo nasabi na taos-puso ang pagsamba nya? Isa pa, hindi naman Praise and Worship ang ginawa ni Cain sa talatang tinutukoy mo. Ang pinag-uusapan dito ay pagsamba sa pagkanta, kapatid.
Napapansin ko lang, masyado mong pinapahalagahan ang itsura dito. Sa totoo lang, wala na akong pakialam kung long hair si Kristo o hindi. I just don't find the sense of knowing that. You are too focused on the culture of the people in the Bible. If you are saying we should observe everything in those chapters where it describes how the Middle-Eastern people's culture was (and still is today) then I assume naka-robe ka din ngayon?
The stories in the Bible happened in Israel and neighboring countries. They have their own set of culture, values, tradition and/or practices. When the Apostles wrote the books in the Bible, they are all addressed to the people in the same location, hence, same set of culture, values, tradition and/or practices.
Case in point 1:
Ang haba ng buhok ng lalake. Sa kultura noon, mahalay ang mahaba ang buhok. Malamang itong mga taong to kung nakakita lang t-shirt at maong ngayon, mahahalayan din sila. Bakit? Kasi kultura nila yun eh. Ang kitid naman ng utak ng ating Panginoon kung gagawin pa Nyang big deal ang buhok. Kawawa naman ang mga pulubi dahil wala silang pampagupit, di na sila karapat-dapat sa ating Panginoon. Tsaka kung ganun, nagkamali pala ang Diyos noong binigyan nya ng lakas si Samson sa pamamagitan ng paghaba ng kaniyang buhok.
Case in point 2:
Sa Psalm 150, pano mo magiging "kahinhinan" ang worship sa dami ng maiingay na instruments na ito?
Anong kahinhinan ang meron sa mga verses na nasa link na to?
http://www.openbible.info/topics/david_danced_Di tayo mag-aaway bro. Ang hiling ko lang, wag kang manghusga ng kapwa sa panlabas nila. Mahirap makita ang nilalaman ng puso ng tao. Mahirap makita kung taos-puso nga sila o hindi. Pero kita naman yung ng Diyos e. Madami naman dyan ang galing mag-worship pero artistahin pala. Alam ni Lord yun. Hayaan natin Sya na maghusga sa mga taong di natin nababasa.
So kung may sagot ka dito, pakisagot na lang. May preferred music genre ba ang Panginoon? Ano yun? Maaari ka din bang maglagay ng link from youtube or somewhere ng worship na may kahinhinan?
PS.
paanong style? kung taos sa puso tapos mala slipknot, slayer, pantera dating....with headbangan mga members, hindi mo na makita yung kahinhinan sa pagsamba... ewan ko kung yang ganyan ng klase ng tugtugan eh maayos pa tignan para sayo....
Di sya maayos para sa akin pero ako lang yun, kasi iba ang preferred way ko ng pag-worship. Imbes na manghusga ako sa iba dahil lang sa di ko sila preferred, eh di lalayo na lang ako at hanapin kung saan ako malayang makapag-worship sa paraan na gusto ko.