Nag-umpisa ako three years ago... nung sikat pa yung kanta ni Kitchie Nadal... 12 yo pa lang ako noon (nakakaintimidate man aminin, sa music nya ako unang nahumaling sa "rock")... Gaya nga ng sinabi ng iba, posers must have a place to start... Ayun, nagkahilig ako sa Rivermaya (dahil soundtrack ng teleserye ang isa nilang kanta) at Parokya ni Edgar dahil nasa MYX Top Ten sila... Pananaw ko pa nga dati ay cool ang Hale at Cueshe dahil rock din sila... In short, isa akong malaking posero noon... isang wannabe...
Baby steps yon sa pagkahumaling ko sa rock... Ika nga nila, taste comes with age... Pagkatapos maging fan ni Kitchie, nakinig ako ng Orange and Lemons dahil refreshing ang tunog nila... 13 1/2 yo ako natutong mag-gitara, at doon ko mas nalaman kung anong klaseng rock ang ayos at kung anong klaseng rock ang dapat nang ibato... Ewan ko pero parang kinaayawan ko noon ang pogi rock, gradually, dahil parang iisa lang ang tema ng kanta nila... at parang magkatunog na sila ni April Boy.
Sa ganong proseso, siguro last year 'yon, unti-unti ko nang natutunan kung ano dapat ang pamumuhay ng isang rakista... at kanya-kanyang pananaw 'yon. Nagkahilig ako sa gitara di dahil sa uso kundi dahil sa gusto ko lang... Di na 'ko masyaong nanonood ng countdown sa TV dahil nalaman kong napakaraming kantang rock na wala sa mga konseptong popular (gaya ng Valley of Chrome, Kiko Machine, Giniling Festival, at iba pang indie acts).
Tatlong taon na 'kong rakista... toddler pa lang ako sa mundong pinasok... Unti-unting winawaksi ang pagiging posero... Patuloy na natututo ng basics sa pag-gigitara. Ewan ko lang kung posero pa rin ako, pero isang bagay ang aking alam... Kait na anong mauso, Pinoy rock pa rin ako... (parang familiar...)
Eh kayo... pa'no kayo naing rakista?