Okay lang. Lahat tayo naman nagsimula sa ganyan. Ako man dati ang dami kong tanong.
1. Anong ibebenta na tom? Yung 2nd na tom. Diba may Floor tom (Asa floor syempre lol). May dalawa pang tom na naka mount sa bass drum. Yung ikalawa ang ibenta mo...
eto magiging Peg mo.
http://s3.photobucket.com/user/ImperialEwok/media/sonor%20jam%20kit%20with%20cymbal%20selection/IMG_0430.jpg.html2. ano ang pwede kong gawin para at the very least ay gumanda ang tunog niya kahit papaano?Sa totoo lang subjective naman ang sound. I mean kung maganda na sayo yung tunog, okay na yun. Hindi ako masyado mahilig mag customize kaya mas makakatulong ang iba na masagot to. Pero pano nga ba pag panget tunog? Bili ka ng magandang Skin. Tipong Remo or Evans. Tapos alam ko sa bearing edges pwede mo rin ipaayus yan eh.. Ang alam ko si Sir Peeves pwede mo mahingan ng tulong jan. Pero di pa nga ako nagiging cliente ni sir. hehe.. You can ask the others din. Lastly. Dapat Perfect yung tono. Bili ka Tune bot para sure kang consistent tono mo. Kahit nasa ibang drumset ka pa.
3. o tama nga kayo, ang aaralin ko muna ay yung quarter, eighth, at sixteenth note beats. haha. pano pala yung tempo? di ba naapektuhan nun yung notes mismo? Oo yun muna aralin mo. Tsaka basic rudiments like single stroke, double stroke, paradiddle and Flam. Isa isa lang., Yung tempo sa metronome yun. Tempo is yung bilis lang naman, make sure on track ka. Di nagbabago, di bumibilis o bumabagal. Ask ka sa music store magkano metronome. Or better para makatipid ka, download ka na lang ng metronome app. You use the tempo in relation to the value of notes (quarter, eight, sixteenth notes na una mong natutunan, at kaya siya importante). Honestly, mas madali lahat matutunan to kung may teacher ka.. hehehe.. Pero don't worry. Lahat rin naman ng To asa youtube..
Since the decision has been made na, wala ng atrasan yan.. Anyway, check mo tong site na to.
http://www.freedrumlessons.com/drum-lessons/ nung beginner ako addict ako rito tapos hanap ng mga lessons sa youtube tapos practice. Tamang practice ang mahalaga.. hehe..