may kababata ako dati
naging classmate ko noong KG pa
kapitbahay namin
ikinamatay nya ay BANGUNGUNGOT
nagsabi sa akin ang utol nya kung anong nangyari o paano ito nangyari sakanya
bago siya nawala o namatay
ang huling natatandaan ng utol nya ay
FIESTA noong araw na yun
so kain siya ng Lechon (all time favorite)
Inom ng alak, di nabanggit kung ano, siguro (redhorse o SMB Light)
nakarami daw
after ng kaganapan na yun, nakita pa nya utol nya umaga na dumating (may araw na)
binati pa nya at tinanong nya kung saan galing, ngkwento
at noong araw na yun
nagtataka lahat ng tao sa bahay nila, hapon na padilim na, di pa daw nagigising mula sa kwarto nya
nag alala na lahat sila kasi tinatawag na nila ang kanyang pangalan, kaso walang nagbubukas ng pinto o sumasagot mula sa kwarto nya
nag alala na lalo yung Kuya nya
sa sobrang pag alala, kumuha cya ng susi ng kwarto kaso nakalock pa daw sa loob
dali dali na nilang sininra ang pinto ng kwarto ng utol nya
ayun
bumungad ang katawan ng kanyang kapatid'
wala ng buhay
kulay UBE (violet)
basang basa ng ihi ang kama nya
nakadapa
at
mabaho ang amoy ng kwarto nya
dali dali nilan itinakbo sa hospital kaso
di na naisalba sa kadahilanan na wala na daw buhay yung utol nya ng ilang oras na nakalipas
nakikita ko pa yun kababata ko na yun dati pagnaglalakad sa harap ng aming bahay
ngayon wala na. tsk tsk
kaya mga kapatid
Hinay hinay sa pagkain lalo mga fatty foods
Uminom ng tama
Ingat lagi mga kapatid