kung hindi aabot ng 10k pataas ang budget mo, I suggest mag lesson ka na lang ng drums. mga 5-6k lang ata yun depende kung saan tapos may kit ka na mapapalo at may magtuturo pa sayo. kung super cheap drum set kasi ang laki ng ilalabas mo na pera, di mo naman mababawi, at di mo magagamit nang maayos and in turn di ka matututo. bale sayang pera. pag naglesson ka, natuto ka na nakarenta ka pa ng gear na at the very least decent
The best reply (I've read yet). And for sure sir, since kaya naman kitain ang pera, better option to. In the future since mas may experience ka na, magipon ka ulit, mas sound na ang judgement mo sa pagbili ng drums. Pwede ka na rin dumeretso sa pagbabanda since marunong ka na.
Bigyan kita ng idea ah. Ako, marami akong binili thinking na gagamitin ko (Punching bag, Ab Rocket, Sandamakmak na libro, pang massage). Okay naman intentions ko nung bago ko bilhin, pero di nag sync intention ko sa realidad. Ended up na nagsayang ako ng pera at nagdagdag ng kalat at pampasikip sa bahay. Pag binenta ko tong mga to, halos wala ng value. Bumaba na.
Baka ganun din ang mangyari pag bumili ka lowend drumset, di naman tataas value niyan. Invest ka sa Drum lessons. At least yun, experience ang puhunan. After mo mag drum lesson magkakaroon ka ng skill at mapapatunayan mo sa sarili mo kung gusto at kailangan mo ba ng Drums.
2 scenario lang yan.
1. Mag drumlesson ka ngayon- You'll gain skills faster. Pwede ka na magbanda agad after (Di mo kailangan ng drumset para matuto pumalo, ako airdrumming lang tsaka youtube tapos unan). After nun, ipon ka for a better set, may maganda ka ng judgement kung ano ang okay na drums sa hindi.
2. Bili ng lowend na Drumset or second hand (di pa marunong pumalo)- Possible kang matuto, pero possibleng hindi, depende sa patience mo. Baka pag nagkadrums ka na eh maging busy ka at di mo mabigyan ng oras, or magrelax ka sa pag aaral knowing na may drums ka and you can study anytime. Kakaprocrastinate walang mangyayari, wala kang matututunan. Usually lang. Magiging panambak tuloy yung drums. Para kang nagtapon ng money since di mo naman mabebenta ng mas mahal yan. Kung sakaling matutututo ka man, unless na super driven ka. Matagal kang gagaling kung walang magaling na mentor. Trial and error talaga sir.
Honestly, di mo kailangan ng drumset para matuto. Unlike guitar tsaka keyboard na kailangan mo ng instrumento talaga. Drumpad, imagination, unan would do. Ako after 7 years ng drumming carreer ko, saka pa ako nagkaroon ng pambili ng sariling drums. Studyante pa ako nun. Ininvest ko oras ko sa Forums tsaka pagaaral ng palo since wala ako much money. ayun