Tagal ko na din kasi nag ttono wala talaga pag asa dami ko ng pinanood na tutorials -.- HAHAHA
Tulad ng sabi ni harugrugrug, art yan. Sabi mo beginner ka pa lang, so di mo pwede sabihin na wala talagang pag asa kasi kakasimula mo pa lang. Yung galing hindi naaacquire sa pagpapanood ng mga tutorial. Sabi nga eh, niroromansa ang tunog ng drums. Hindi yung kakasimula mo pa lang magjowa na kayo. Tinatiyaga yan nang matagal para makuha mo yung gusto mo. And every head is different, single ply 7 mil 10 mil 12 mil, double ply 7 mil 10 mil, may langis, glue, perforations, o-rings, foam sa gitna ng plies; clear hazy black suede fiberskyn kevlar, lahat yan iba iba ang tuning qualities - minsan mag-iba ka lang ng head parang beginner ka ulit.
It took me four tries just to get my snare to sound they way I want it with Evans Hydraulics. Four tries as in tinanggal ko yung snare wires, reso at yung hydraulics na batter, every time. Yung rack toms ko nga taeng [ice cream] ako kasi di ko mapakanta nang maayos - acceptable pero pilit, kaya tinanggal ko yung resos. Mas maayos na pero medyo kulang pa. I think yung toms ko mga 10 beses ko na tinune. Yung floor tom ko one time big time ayos na. Again, skill yan, it comes with time. Kahit ako, if it took me 5 years to learn how to tune my electric guitars to an acceptable level, but with very good intonation across the fretboard; even I have a long way to go in tuning drums.
And manage your expectations nga, kasi baka ok na naman pala ang tunog ng drums mo, pero dahil sa room acoustics nasisira. Try mo yung mag earmuffs after magtune, para mabawasan yung bias sa room acoustics.