I wrote a paper for a class a couple of years ago along these lines. Here are a couple of excerpts from the paper.
"Sa wikang Aleman, ang titulong Tonnmeister na karaniwang binibigay sa mga inhinyerong nakapagaral ng kursong sumasakop sa mga larangan ng akustika, elektronika, at arkitektura. Ang salitang ito ay tambalan ang mga salitang tonn na katumbas ng salitang tunog, at meister na katumbas ng salitang dalubhasa."
"Kung ito ang susunding pormula, ang mabubuong salita ay dapat dalub-tunog. ...... Bagama’t kailangan pa ng mas masusing imbestigasyon para matiyak ang pinanggalingan ng dalub-, maaring gamitin ito katambal ng tunog ng walang pangamba dahil laganap ang paggamit ng pormulang ito sa pagkilala ng pagkabihasa sa isang larangan, at ang konsepto ng indibidual na salita. Bagama’t ako’y serioso sa hangad na makabuo ng sapat na salita, di ko maiwasang matuwa at matawa sa ginagawa ko. Minsan, naikwento ko kay Prop. Felipe De Leon Jr. (isang kapwa dalub-tunog) ang ginagawa kong ito. Bagama’t malalim niyang sinuri ang mga salitang binanggit ko, natuwa rin siya sapagkat nakaranas din siya ng suliranin ko. Napagkasunduan namin na ang pagtanggap ng bagong salita ay mangyayari lamang kapag may magsusulong nito. Maaari nang ashan na sa lahat ng pagkakataon, sisimulan ko na ang paggamit ng salitang dalub-tunog, hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng kapwa kong gumagalaw sa larangan ng tunog."