Nasayo naman yun kung gusto mo talaga eh, hindi mo na kelangan mag-promise na titigil ka kung kelan, kung ayaw mo na, tigilan mo na, tiis lang talaga...
Ako naisipan ko lang tumigil magyosi isang araw, kase nga ang hirap gumalaw para sakin, konting mabigat na gawain pagod kagad.
Ngayon, 4 years na kong tigil sa yosi, nagugulat na lang yung mga old friends ko pag nalalaman nila na hindi na ko nagyoyosi, hindi daw kase nila kaya eh.
Mahirap kapag mga 1st month na, kung ano ano sumasakit sa katawan ko, lalo na yung sa may parteng balikat, tiniis ko na lang hanggang sa ayun, nakayanan ko din. hehehe. kaya lang tumaba talaga ko.