BOTH. I want to adopt and know first the style and theme of the song and mas maganda kung magagawa ko yun as exactly as the same ng CD, why?
Because may additional knowledge and style akong ma-aadopt kapag ganun. Isa pa, malaking tulong din yun para maintindihan ko ng mas malalim yung kanta, dahil yung specific theme ng song at style ng music eh may epekto at dahilan din kaya ganun yung pagkakagawa ng mga compossers (my opinion).
As a band na, I usually suggest na malaman yung original song before turning to our own style. Sa part naman ng kakanta, eh kukuning muna yung KEY or pitch ng boses nila.
Malaking tulong din yung pagkuha ng original style and type of music and also yung original music niyo.
At the end, follow the leading of the Holy Spirit, maging malaya sa pagkilos at pagwoworship kay LORD.
+1. Iba din yung alam mo yung original na piyesa, kumbaga kapag gamay mo na doon na papasok yung improvisation not for bragging rights but for creativity and glory of Christ through the leading of the Holy Spirit.
Just a caution though sa paggamit ng "as the Spirit leads" or "Asda (term ng musical director namin na si Kuya Egay), kasi madalas ito ang reason kung bakit nagiging mediocre ang P&W in most churches whether matagal/established na or bago palang. Kumbaga sa practice palang ang mindset na since "Asda" eh ok na kahit "sounds like" yung instruments at voice, kahit ang daming mali at di malinis ang P&W tapos makakarinig ka ng "pwede na yan". Pati mga instruments and equipments giba-giba na o madumi o nagfeefeedback, etc. No wonder why many churches today eh stagnant spiritually at ilang years na lumipas sila-sila pa rin ang members. I remember nung youth pa ako (ngayon ga-youth na, hehe), pumunta kami sa isang youth inter-fellowship sa Q.C., come P&W, sintunado si song leader at sakit sa tenga ng tugtugan. May kasama kaming di pa Christian na natatawa na sa P&W, napansin ni song leader biglang sabi "Wag po ninyong pansinin ang boses ko, let's focus kay Lord as His spirit leads us to worship" napa-?
nalang ako. In the end, naging katawa-tawa lang yung gathering kasi bukod sa P&W eh di pa handa sa ibang activities.
As Christians we really need to focus primarily to grow spiritually pero hindi lang hanggang doon. As worshiping musicians we should also
improve our skills with or without the support of our church. Mapalad ang generation ngayon because of technology, dati kailangan pang hintayin yung betamax/VHS or casette tape na ipahiram sa iyo bago mo mapanuod/mapakinig yung lesson o yung sisiprahin na kanta, ngayon google lang nandun na lahat. Sa mga pastors naman, wag ninyong maliitin ang Music Ministry kung may pondo o paraan naman eh laanan niyo kami ng pondo at panahon. Tsaka yung P&W lang naman ang matitirang ministry pagdating sa heaven di ba, kaya ngayon dito palang dapat maranasan na yung the best for God.