Sa isa.. mataas ang patong sa presyo.. at konti ang accessories..
Sa isa naman.. karamihan ng stores nila napakasikip.. tsaka wala masyadong 0% installment deals.. tapos walang keyboard na panlaban sa mga ibang stores.. at di sila masyadong nagcoconcentrate sa PA system. karamihan pa ng attendant nila walang alam sagutin sa mga tanong regarding their products..
Sa isa naman.. di uso sale.. tsaka wala silang stores sa mga favorite malls ko.. laging malayo nilalakad ko kung bibili ako sa kanila..
Sa isa naman.. walang sasakyang public na dumadaan. lagi akong magtataxi para lang makapunta sa kanila.. wala ring drum products at PA system. at kulang sa bass amps etc..
Sa isa naman.. iisang brand lang ang talagang iniistock sa showroom.. minsan nauuubos pa stock.. wala ring amps, drum products, at PA system. maliit ang lugar.
Sa isa naman.. puro amps at PA lang ang binebenta. medyo mahal pa. sana kapresyo na lang ng mall stores nila ung sa main..
Sa isa naman walang "branded" na tinda. kaya accessories and sticks na lang nabibili ko.. wala pang tawad..
Sa isa naman.. mahal magtinda.. kahit di naman kilala yung mga products.. at sobrang mahal ng drum products.. marami sanang me gusto nung drums nila..
Sa isang lugar na maraming tindahan naman, maraming peke at mga manloloko. not toi mention mga magnanakaw..
Sa isang lugar din na maraming tindahan ng gitara.. walang maganda. sana gandahan nila yung mga local na gitara nila..
Oh I almost forgot.. sa isa pang store.. mahal magtinda at wala na ring mga ibang products kundi ang sariling product. nakakaasar pa puntahan.. dahil masungit yung mga tao.. sayang sa kanila ko pa naman nabili 1st bass and amp ko.. dami dati nilang magandang brands. pero wala na ngayon..
at para sa karamihan ng stores na ito.. me mga tinderong masungit or di namamansin or maangas or di marunong sa produkto nila..
wala na siguro akong nakalimutang store..
but wait.. ang totoong frustration ko ay..... ang bulsa ko. wala akong pambili.. i guess, napupunta sa mga dapat iprioritize.. pero ok lang.. nagpoprovide pa rin ang Diyos sa mga musical needs ko.. minsan nga pati wants eh.. haba na yata nito..