TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: haxo55 on April 17, 2008, 03:20:50 AM

Title: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 17, 2008, 03:20:50 AM
kasi hanggang ngayon hindi parin ako ganun ka payat...
totoo ba yung sabi ng iba?
mga mods kung gusto niyo to burahin ok lang...
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: blueplata on April 17, 2008, 03:32:28 AM
hinde dude, kung ganon pa rin yung manner ng  pagkain mo, for sure nde ka papayat.

ang puyat, nakakastress lang talaga
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 17, 2008, 03:33:07 AM
ah...
hindi na ko kakain...
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: nibram on April 17, 2008, 03:35:02 AM
pumayat daw ako nung nag night shift ako... (ewan)

pero nung stressed ako sa last job ko lumobo ako eh....

kanya-kanya din siguro yan!  :-D
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: blueplata on April 17, 2008, 03:37:30 AM
ah...
hindi na ko kakain...

uy no! masamang hinde kumain, baka hinde ka lang pumayat eh masugod ka pa sa hospital.

pumayat daw ako nung nag night shift ako... (ewan)

pero nung stressed ako sa last job ko lumobo ako eh....

kanya-kanya din siguro yan!  :-D

normally pagfirst time na nightshift papayat talaga, pero pag nasanay ka na ganun din, babalik sa dati ang katawan.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 17, 2008, 03:39:25 AM
uy no! masamang hinde kumain, baka hinde ka lang pumayat eh masugod ka pa sa hospital.

normally pagfirst time na nightshift papayat talaga, pero pag nasanay ka na ganun din, babalik sa dati ang katawan.

gusto ko rin mag nightshift.. meron ba sa highschool nun?
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: nibram on April 17, 2008, 03:42:10 AM
normally pagfirst time na nightshift papayat talaga, pero pag nasanay ka na ganun din, babalik sa dati ang katawan.


OH HINDE!!!

seryoso na ako sa pageehersisyo!  :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: blueplata on April 17, 2008, 03:46:00 AM
gusto ko rin mag nightshift.. meron ba sa highschool nun?

sa public ata meron


OH HINDE!!!

seryoso na ako sa pageehersisyo!  :lol:

mismo, pangarap ko ding pumayat eh!
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: Helmet on April 17, 2008, 03:46:38 AM
At may mga taong mas hiyang sa pagiging puyat kaya lumulusog.

At kung sa trabaho eh parang saming mga BPO Companies na buong gabi nang naka upo at buong umaga pang tulog, yari na.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 17, 2008, 03:47:38 AM
sana bumalik na yung katawan ko dati...
para super pogi ulit...  :mrgreen:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: nibram on April 17, 2008, 03:50:54 AM
At may mga taong mas hiyang sa pagiging puyat kaya lumulusog.

At kung sa trabaho eh parang saming mga BPO Companies na buong gabi nang naka upo at buong umaga pang tulog, yari na.

inum ako madami tubig... para ihi din madami...

nakakapayat naman siguro yung lakad ng lakad papunta sa CR? ahhahah!
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: Helmet on April 17, 2008, 03:54:49 AM
inum ako madami tubig... para ihi din madami...

nakakapayat naman siguro yung lakad ng lakad papunta sa CR? ahhahah!

haha...baka hita lang pumayat sayo, magmumukha kang johnny bravo.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: nibram on April 17, 2008, 03:55:42 AM
maglalakad din ako papush-up!  :evil:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: SCREWER on April 17, 2008, 04:13:56 AM
oo katulad itsura ko ngayon...kamukha ko na yung avatar ko sa kapupuyat...
 :-D
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: vencejezzrell on April 17, 2008, 05:46:08 AM
'di naman nakakapayat ang pagpupuyat... nakamamatay siguro... :lol:


:-D
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 17, 2008, 12:41:13 PM
'di naman nakakapayat ang pagpupuyat... nakamamatay siguro... :lol:


:-D

hahaha...  :-)
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: V.I.O.L.I.N.S on April 17, 2008, 12:59:24 PM
hinde. minsan kasi ang ginagawa nang ibang tayo para magising eh kumakain so... wala din. tataba ka pa rin. :D
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 17, 2008, 01:03:59 PM
hinde. minsan kasi ang ginagawa nang ibang tayo para magising eh kumakain so... wala din. tataba ka pa rin. :D

ah kaya pala ganun parin ako...
 :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: tejadster on April 17, 2008, 01:05:44 PM
napanuod ko lang sa tv kahapon.. sabi ng doctor "nakakataba ang pagpupuyat..."
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: wiccan8888 on April 17, 2008, 02:14:12 PM
kasi hanggang ngayon hindi parin ako ganun ka payat...
totoo ba yung sabi ng iba?
mga mods kung gusto niyo to burahin ok lang...


mas nakakataba pa nga eh dahil madali ka magutom, ung energy mo na dapat itinutulog mo na, lalo ka pang kakain ng madami.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: vencejezzrell on April 17, 2008, 02:16:58 PM
mas nakakataba pa nga eh dahil madali ka magutom, ung energy mo na dapat itinutulog mo na, lalo ka pang kakain ng madami.

+1
pag nagpupuyat nga, madalas akong nagugutom eh. at mapapkain ka talaga. :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: jonasm_16 on April 17, 2008, 02:19:53 PM
hindi, kase lalo nakakagutom kapag puyat eh, kailangan ng energy.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: distrito45 on April 17, 2008, 04:06:00 PM
nakakapayat ang pagpupuyat kung manunuod ka ng porn tapos mag "tebats" siguradong puyat ka na pasmado ka pa. ahahaha  :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: Viel on April 17, 2008, 04:44:26 PM
hindi totoo yan. pag umaabot ka ng mas gabi, mas nagugutom ka lalo.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: V.I.O.L.I.N.S on April 17, 2008, 04:58:01 PM
ako naman kasi nung thesis... sobrang puyatan almost 48 hrs akong gising. no joke. ang kain ko lang eh tatlong beses dun sa buong 48 hrs na yun. kaya nung umuwi ako, namayat daw ako pero ngayon... bawi na. :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: nibram on April 18, 2008, 12:08:54 AM
napanuod ko lang sa tv kahapon.. sabi ng doctor "nakakataba ang pagpupuyat..."


tsk tsk tsk,.... tama na pagtaba! pls lang!  :cry: nauubos damit ko eH! hehehe
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 18, 2008, 12:11:18 AM

tsk tsk tsk,.... tama na pagtaba! pls lang!  :cry: nauubos damit ko eH! hehehe


kakaubos talaga ng damit... humihiram na nga ko ng damit sa kuya ko ngayon eh..
 :-(
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: nibram on April 18, 2008, 12:12:34 AM
kakaubos talaga ng damit... humihiram na nga ko ng damit sa kuya ko ngayon eh..
 :-(


ahahah! ako naman sa aking ama! hehe mahirap pa naman kung pormal na damiT! grrr...  :cry:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: Helmet on April 18, 2008, 01:34:01 AM
Kung magpupuyat man, samahan dapat ng rum saka coke para solb!
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: lil.drummerboy on April 18, 2008, 01:36:36 AM
naniniwala ako na nakaka payat ang puyat. kung ang kain mo sa gabi konti lang. problema kasi pag puyat ka kain ng kain. minsan sa umaga na matutulog pagkatapos mag almusal. ayun talagang hindi ka papayat nun. tataba ka pa. tulad ng ginagawa ko :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: powerchord41 on April 18, 2008, 05:02:32 AM
nakakapagpatanda ang puyat... sabi nila mag mumukha kang mas matanda pag puyat palagi tapos magkakaroon ng pimples... pero ndi naman ata nakakapag papayat...
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: gitaristang_pusa on April 18, 2008, 05:40:47 PM
nkaka pimples ang pagpupuyat di nkaka payat... except cguro nagbabato at gising magdamag at ayaw ng kumain... yun pwede pa!!! :-D
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 19, 2008, 12:37:49 AM
philmusic ang dahilan ko kaya ako napupuyat...
 :-D
kaya pala medyo nagkakapimples na ko...
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: bianxraquel on April 19, 2008, 03:17:25 AM
isang malaking HINDE!  :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: junelle on April 19, 2008, 03:55:02 AM
Depende yan. Kung puyat ka nga tapos boung maghapon eh tuloog ka naman at ang lakas mong kumain eh malamang di ka papayat.. Nangyari na sakin yan. Gising ako simula 6pm hanggang 9am tapos tulog ako ulit hanggang 6pm. Ganun lang parati tapos pag gabi ang lakas ko pa kumain, kaya yun lalo lang akong tumaba. kasi ang nangyari eh parang nagulo lang yung body clock ko.. :-D
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: blueplata on April 19, 2008, 04:16:27 AM
tsk 2 days na kong gising!
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: Tasty on April 19, 2008, 12:09:20 PM
I don't think depriving yourself of sleep will do you any good so I'll just give you some fitness tips. :-D

Taken from another thread:

I'll share what I know.

1. Starving yourself is never a good thing because it kills your metabolism altogether. Low metabolic rate = you get fat faster when you increase you food intake even just a little bit. You need food for strength. What you should focus on cutting is your fat intake. Carbs? Take in enough to fuel your day-to-day activities.

The bottomline is you should eat (and eat healthy) when you are hungry.

2. Regular cardio helps you burn fat and makes your heart and lungs stronger. I also found out recently that cancer cells don't thrive on well oxygenated bodies. Who wouldn't want that?

3. Strength training/body building increases your lean muscle mass, which in turn boosts your resting metabolism, which makes you burn more calories (even while doing nothing), which ultimately makes it a lot harder for you to get fat.

4. Supplements? Most fat burners, at least the "good" ones, cause palpitation and light-headedness. I personally just take whey protein to help me get the most out of my workouts. Again, more muscle = more calories burned even while you're sleeping.

5. Less junk and more of real food. Grab an apple instead of a bag of chips. Both will satisfy your hunger but that bag of chips will only give you empty calories.

You don't have to completely detach yourself from junk food. You can still have some from time to time.

6. Diet sodas never work. The artificial sweeteners in them will actually trigger your body to crave for more calories than usual.

Enjoy. :-)
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: bhenard on April 19, 2008, 09:30:14 PM
madaling magpapayat,mhirap magpataba
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 19, 2008, 09:31:52 PM
madaling magpapayat,mhirap magpataba

buti ka pa...  :-(
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: vencejezzrell on April 20, 2008, 04:57:56 AM
madaling magpapayat,mhirap magpataba

pusik baliktad! buti ka pa nga! :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: blueplata on April 20, 2008, 05:11:50 AM
pusik baliktad! buti ka pa nga! :lol:

malakas ka kaseng kumain no?  :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: vencejezzrell on April 20, 2008, 05:18:01 AM
malakas ka kaseng kumain no?  :lol:

tama lang, pero wala kasing exercise at natigil sa gym eh! :|

:lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: blueplata on April 20, 2008, 05:22:53 AM
whew... kaya ayoko maggym, once matigil nakakalobo.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: vencejezzrell on April 20, 2008, 05:23:57 AM
whew... kaya ayoko maggym, once matigil nakakalobo.

mismo! deymn! :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: Tasty on April 20, 2008, 01:00:11 PM
whew... kaya ayoko maggym, once matigil nakakalobo.
Hindi naman. :wink:

I used to work at the main office of a well-known fast food chain and we had 3 taste-testing sessions every week, which meant regular fast food intake. During this time, I had to stop working out for two months because of time constraints.

I did put on some weight but not as much as I would if I haven't worked out for the past 7 or 8 months.

By the way, it was also during the Christmas season so you can only imagine how much food I was taking in. :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: isnewflik on April 20, 2008, 02:30:10 PM
hindi ata eh..


puyat, diba pinagsama ang pagod at walang tulog nyan?


nakakataba nga yan eh!! tsaka, magkakaroon ka rin ata ng sakit kung magpupuyat ka.. :)
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: byte on April 20, 2008, 04:09:42 PM
Hmm...nakakataba daw...:D

http://www.bris.ac.uk/news/2004/582 (http://www.bris.ac.uk/news/2004/582)
http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15283000?dopt=abstractplus (http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15283000?dopt=abstractplus)
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: obelix on April 20, 2008, 04:14:10 PM
nakakapayat yung puyat kung may kahalong exercise at pagbawas ng pagkain
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: isnewflik on April 20, 2008, 04:43:33 PM
ayon sa nabasa ko..


kung kulang ng tulog ang isang tao, rumarami ang ghrelin at kumukonti yung leptin sa body niya.. leptin has a role in suppressing appetite.. kabaliktaran naman ang role ng ghrelin..
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: awitee on April 20, 2008, 09:43:52 PM
ang alam ko is pagnagpupuyat ka, ibig sabhin d ka natutulog or late kang matutulog, mas mas matagal ang oras na gising ka, therefore, mas matagal nag buburn ng calories ung katawan mo to keep u awake, malaki rin cgro factor na mas matagal kang nagdidigest, kasi pag tulog ka mas hindi active ung system mo eh. pagkaalam ko ganun haha
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 20, 2008, 11:37:00 PM
kuya bakit ang daming nagpupuyat? (non-sense na tanong)  :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: the_godfather on April 21, 2008, 08:20:56 AM
Di yata totoo yun. Kasi akolaging puyat pero tumaba pa.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: tejadster on April 21, 2008, 08:27:42 AM
kuya bakit ang daming nagpupuyat? (non-sense na tanong)  :lol:
they have things to do...
they cant sleep...
ayaw masigawan ng magulang sa umaga(kase pag gumising tulog na)
may pinapanuod sa tv..
nakikinig sa radyo..
wala silang orasan..
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: byte on April 21, 2008, 12:38:20 PM
kuya bakit ang daming nagpupuyat? (non-sense na tanong)  :lol:

philmusic :D
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: blueplata on April 21, 2008, 12:53:40 PM
philmusic :D

+1
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: haxo55 on April 21, 2008, 09:14:57 PM
philmusic :D

+1 din...  :lol:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: red lights on November 28, 2013, 03:08:06 PM


nakakatigyawat  :razz:
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: marzi on November 28, 2013, 05:51:24 PM
Nakakasira ng sistema ang pagpupuyat.tignan mo yung mga payat daati na nagtrabaho ngayon sa call centers. Obese!
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: ichieban on November 30, 2013, 02:51:55 AM
Nakakasira ng sistema ang pagpupuyat.tignan mo yung mga payat daati na nagtrabaho ngayon sa call centers. Obese!

This is true. Mostly kasi ang ginagawa, kumain in replacement of sleep. Ang laki din ng tinaba ko since nung nagsimula ako mag callcenter 10 years ago.

Then kakain ulit pag nasstress tapos sabayan pa ng inom after shift.
Title: Re: nakakapayat ba talaga ang puyat?
Post by: inexperience on November 30, 2013, 02:53:55 AM
Nakakapayat kung mag vivideo game ka, kasi di ka makakakain, lalo na pag naka concentrate or may istorya yung nilalaro mo.