Oo, medyo relentless ako sa pag-practice ng doublepeds ngayon hehehe.
Sa kasamaang palad, lumuwag yung parang hammered na pin sa may dulo ng connecting rod ng pedals ko (slave side). Na-rehammer ko uli yung pin pabalik sa original position niya, pero nag-aalala ako kasi baka may iba pang mga damage na lalabas sa pedals.
Hindi kaya dahil sa practice pad ang dahilan? Kasi alam ko medyo mabigat ang paa ko pag naglalaro sa pedal, pero hindi pa ako naka-encounter ng kahit ano'ng sira mula noong nakuha ko tong pedal. Ngayong week lang, na parang 2 hours per day ang practice hehe.
Yung practice pad ko kasi, scrap iron na welded, tapos sinalpakan ng foam, yung tipong pang-unan na foam, para maging pad. Ngayon medyo compressed na yung foam, pero sa tingin ko e pareho pa rin naman ang feel nito sa isang rubber na pad.
Ano kaya pwede ko gawin?