aktwali, sa mailing list ng 'Heads, merong lister na naglista ng mga "signos" sa nalalapit daw na reunion.
1. sydney australia gig ni Ely. since 2002, ngayon na lang siya tumugtog ng isang all-Eheads set for a gig. at isa pang interesante at kapansin-pansin sa gig niya na ito, gamit niya ang isang Fender strat na parang ginamit din niya noong Eheads era. ito ay iba sa madalas niyang ginagamit sa mga gigs niya with Pupil. (nasa youtube yung gig. see for yourselves.)
2. yung episode sa Jessica Soho reports about UP centennial. medyo weird kase sa mga commercial bago ipalabas yung episode, walang teaser about the Eraserheads being together again in UP (na naisip ko, kung gusto nilang humakot ng more viewers, they should have at least included sneak shots doon sa tatlo. PERO for some weird reason, WALA). pero noong pinanood ko na, nagulat ako kasi nandoon din pala sa episode sina Marcus, Raims, at Buddy. went down the memory lane sa Kalayaan dormitory. minsan sa may Kalayaan tayo'y... nagkatagpuan... (nasa youtube din)
3. merong bagong version ang Huling El Bimbo with an orchestra. and yes, si Ely ang kumanta siyempre.
4. and then there's this anonymous user na nagco-comment sa ilang blogs ng mga Eheads listers, giving hints on a "one-day reunion." at natutuwa daw "siya" kase marami pa ring nag-aasam na magkaisa ang Eraserheads.
ayan. bahala na kayo humusga. op kors, ang lahat ng ito ay nananatiling paglalaro lamang sa ating mga imahinasyon. mahirap umasa sa wala at magbilang agad ng mga itlog kahit di pa napipisa.
sa tingin ko din, yung gig ni Ely sa sydney ay tanda rin ng kanyang tuluyang pagmu-move on sa masaklap na paghihiwalay ng Eraserheads. during the Mongols/early Pupil days, sinasabi niya lagi "nakapag-move on" na daw siya, pero halatang di pa. ngayon, parang iba na pakiramdam niya. parang mas kapani-paniwalang nakapag-move on na nga siya. at sa palagay ko ulit, hindi siya maggi-gig ng all eheads set kung bitter pa rin siya sa Eraserheads past.
ewan ko. hayaan na lang natin sila. darating din.
pero sana wag muna mag-reunion para tumaas lalo ang pagkatigang ng mga tao. haha!