pabuksan mo sa kanila yung likod. may plate kasi na plastic yun sa likod diba? mahirap kasi silipin kung through the hole mo lang titingnan. so pa-unscrew mo lang yun kung papayag sila. there you will see kung may layers yung wood or kung 1 piece lang. agathis daw ba yung kahoy? alam ko deins gaano maganda yun eh, hehe. pero tingnan mo nalang. nakita ko din yung california style squier sa greenhills yamaha eh. oks lang, di ko mashadong type. parang walang pinagkaiba dun sa stratpak na binebenta nila eh. if you really want a strat type guitar, hanap ka nalang ng second hand, daming nagbebenta jan, hehe. yung sakin nabili ko second hand eh, taga-qc ako dinayo ko pa ang bacoor cavite para makuha yun, hehe. nung una medyo hindi ako contento sa tunog, medyo manipis ang tunog ng stock na squier eh (pero tunog strat naman) pero nung pinalitan ko ng pickups, yun, ayos na. ngayon naghahanap ako ng solid body na strat para talagang swabe na, hehe. siguro mabuti pa mag-RJ strat ka nalang, at least yun alam mo solid body. palitan mo nalang yung pickups pagtagal, medyo mahal din kasi yung mga fender na pickup sets eh, mga 8k brand new, yung akin nabili ko lang 5k 2nd hand, tapos may nakita ako dito same model, 3.5k lang, kainis, hehe. pero ok narin. pero ikaw pre, kung gusto mo na yung squier and pasok naman sa budget mo, and personally gusto mo naman yung tunog nya, go bilhin mo na. pero sinasabi ko sayo, wala sa brand yung magandang tone. basta ikaw na tumancha testing mo lahat ng pwede mo testing na gitara muna bago ka bumili.