We all love Raymz...grabe during my high school days talagang favorite ko palo ng eheads, hanggang ngayon nabakat sa isip ko ang mga signature patterns at fills ni raymund, ang linis ng palo niya nung Reunion, naaalala ko pa nun nung 1997 sa Quirino Grandstand, Adidas StreetBall Challenge, kami nagsetup ng sound sytem dun, I was just 15 back then, dumidikit ako kila raymund nun sa stage nung di pa sila tumutugtog kasi maaga sila dumating, tambay sila sa stage, tapos bumili pa nga sila ng ice cream, tawa ako ng tawa nun sigaw sila ng sigaw "Manong!Manong!Pabili!"...una nilang tinugtog nung gabi yung Lightyears ang galing ng palo ni Raymund dun..dalang dala niya yung flow ng kanta, sagad to the bones yung dating nung beat, rhythm at melody nung kanta..nakakaantig na nakakabuhay ng dugo..Mabuhay ka Raymund, I learned to play drums sa umpisa kahit di pa ko nakakahawak ng tunay na drumset noo, basta sinusundan ko lang yung bagsak nung mga palo ni Raymund sa mga kanta ng eheads, kaya naTrain ako sa mabibilis na BPM (Paru-parong Ning ning, Maalalahanin, Insomya atbp) swabeng BPM (Fruitcake, Huling El Bimbo, Pare Ko) hay naku ang dami...hehehe..