Sa Baguio (pati na rin sa mountain province area) lang 'ata ang lugar na makakakita ka ng mga talagang may matinding tama sa country music (sila lang ata ang may country music radio station sa buong Pilipinas). Sa mga bilyaran at mga drinking joints, lalo na sa mga paradahan ng jeep tsaka bus na papunta sa La Trinidad at sa lagpas niya, doon ka talaga makakarinig ng country na pinapatugtug--yun bang dating nina Mindy McCready, Toby Keith, Dixie Chicks, etc.
Yes, we call them Benguet Cowboys.
I guess may ganung culture sa Baguio because you've got horses, clean air, mountains, and clear night skies for bonfires,
tapuy, and cawwwntry music.