Buti na lang Cobra at Bacchus lang ang available diyan sa Pinas.
Andami dito sa US na siguradong nakita ninyong naka-advertise sa mga sponsors ng music o sports events. Rockstar at Monster ang leading brands, twice as deadly kumpara sa Bacchus, kasi 16 oz. Kung gaano kabagsik ang Red Bull, ganun din itong dalawang brand.
Yung employee ko nakita yung Monster kasi ang bango ba tuwing bubuksan niya yung can. Tapos ako rin, napabili na rin. Talagang mabisa, lalo na't mall employee ka, tatagal ka sa trabaho.
Yun nga lang, maa-adik ka. Pag hindi ako uminom ng dalawang araw, malupit na migraine ang aabutin ko, hangga't uminom ulit, 10 minutes lang wala na. Umabot na halos 3 beses ako umiinom araw-araw.
Dalawang taon na ang nakalipas, hindi ko mabitawan, kasi nga ang lupit ng migraines. So finally, tinigil ko na. Uminom na lang ng gamot kung sasakit ang ulo. So far, 15 weeks na akong walang energy drinks. Uminom nga ako ng Mountain Dew, ala nang epekto. Nahalo na yata sa DNA ko tong lintek na energy drinks eh.
Sana na lang hindi na umabot diyan. Ang laki rin ng natipid ko, ang gastos din nun ($3 per can). Malamang ang mahal diyan lalo kung magkakaroon diyan.
Mabuti na lang may mga will power kayo mga kapatid. Wag magpapadala sa mga energy drinks.