Kasi imbes na potentiometer, photo-resistor ang gamit sa Morley. Tapos yung sa ilalim ng pedal, may cardboard (di ako sure kung anong material, pero medyo matigas) na may butas. Depende sa dami ng ilaw na pinapadaan or bina-block niya, nag-iiba yung tunog ng wah. Kung dadagdagan mo o kaya tatakpan mo yung mga butas, magbabago yung sweep range niya.